Alora Sasam, ibinida ang human drone entry nya: "Parang hindi naman ito pinagdaanan ni Anne Curtis?"

Alora Sasam, ibinida ang human drone entry nya: "Parang hindi naman ito pinagdaanan ni Anne Curtis?"

- Kinaaliwan si Alora Sasam sa kanyang "human drone challenge" na kung saan makikita siyang nakasuot ng tradisyunal na kasuotan ng bansang Korea—ang Hanbok

- Matatandaang marami ang gumawa ng challenge na ito matapos mag-viral ang human drone challenge ni Anne Curtis

- Kaya naman, hindi maiwasang maiugnay kay Anne ang naturang trend na dati pa man ay ginagawa na ng ibang content creator

- Sa video ni Alora, marami ang naaliw dahil makikitang hinahabol ni Alora ang kanyang cellphone na tila ba itinakbo ng taong humahawak nito ang kanyang telepono

- Hirit pa ni Alora, parang hindi naman daw nangyari kay Anne yung ganun sa kanyang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Alora Sasam ang kanyang entry para sa Human Drone Challenge kung saan nakasuot siya ng Hanbok. Makikita sa video ang paghabol ni Alora sa kanyang cellphone habang tila itinatakbo ng taong may hawak nito.

Read also

Rosmar Tan, pumalag komentong hindi niya alam ang 'left'

Alora Sasam, ibinida ang human drone entry nya: "Parang hindi naman ito pinagdaanan ni Anne Curtis?"
Alora Sasam, ibinida ang human drone entry nya: "Parang hindi naman ito pinagdaanan ni Anne Curtis?" (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Hirit pa ni Alora, tila hindi naman ito pinagdaanan ni Anne Curtis.

Matatandaang iniugnay ang naturang trend kay Anne matapos mag-viral ang kanyang human drone challenge. Maraming content creator ang gumaya sa kanya matapos nito.

Gayunpaman, ang naturang trend ay dati nang ginagawa ng ibang content creator.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang maging si Melai Cantiveros kamakailan ay nagbiro din na mahirap daw maging Anne Curtis nang gayahin niya ang naturang trend.

Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Kinaaliwan sina Anne Curtis at Vice Ganda sa binahaging video ni Anne sa social media kamakailan. Makikita ang kanilang tawanan na magkaibigan habang nakaupo na naghahampasan pa. Sa kanilang tawanan ay napalakas ang pagtulak ni Vice kaya napadapa si Anne habang-tawa pa rin nang tawa. Ani Anne, ang kanilang tawanan ay palatandaan ng kanilang pagiging tunay na magkaibigan.

Read also

Vice Ganda, bagong endorser ng Shopee: "Nakapag reinstall na ba lahat?"

Samantala, hindi inatrasan ni Anne ang pangangantiyaw ng madlang people at kanyang mga co-hosts. Sa kanilang segment na Isip-Bata ay naitanong kung kailan pinakamalaki ang bukas ng bibig ng isang tao. Dahil ito ang lagi nilang biro kay Anne, sinabi ni Vice Ganda na mas maganda kung si Anne ang aarte para ipakita ang mga pagpipilian. Maging ang mga studio audience ay sumang-ayon din kay Vice kaya di pinatagal ni Anne at agad pumagitna sa entablado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel