Vice Ganda, bagong endorser ng Shopee: "Nakapag reinstall na ba lahat?"

Vice Ganda, bagong endorser ng Shopee: "Nakapag reinstall na ba lahat?"

- Si Vice Ganda ang bagong endorser ng e-commerce company na Shopee at naibahagi niya ito sa social media

- Sa kanyang post sa X (dating Twitter), nagtanong siya kung nakapag reinstall na daw ba lahat

- Matatandaang naging endorser din siya ng maituturing na kakumpitensiya ng naturang e-commerce company

- Marami naman sa mga fans ni Vice ang naghayag ng kanilang suporta sa bago nitong endorsement

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kasunod ng pagsasapubliko ng kanyang bagong endorsement. Siya ang pinakabagong endorser ng e-commerce company na Shopee.

Vice Ganda, bagong endorser ng Shopee: "Nakapag reinstall na ba lahat?"
Vice Ganda, bagong endorser ng Shopee: "Nakapag reinstall na ba lahat?" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), nagtanong siya kung nakapag reinstall na daw ba lahat.

Nakapag reinstall na ba lahat? Happy Sunday!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Cristy, may payo umano kay Vice Ganda: "'Wag na kayong maghamon"

Matatandaang bago pa ito ay naging endorser din siya ng maituturing na kakompitensiya ng Shopee. Kaya naman, marami sa kanyang fans ang naghayag ng kanilang suporta sa bago niyang endorsement.

Narito ang ilang mga komento sa post na ito ni Vice:

Mima nagugulat ako sa pa-"Shop ganern!" mo everytime na nacconfirm yung check out ko
ikaw pa ba? this is my way to show my support to you, i'm just waiting na ma-deliver sa akin.
Hahaha lakas mo meme! Napa-reinstall ako.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Bossing Vic kay Kim Chiu: "Ikaw may sarili kang mundo ha?"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel