Bossing Vic kay Kim Chiu: "Ikaw may sarili kang mundo ha?"

Bossing Vic kay Kim Chiu: "Ikaw may sarili kang mundo ha?"

- Natawa si Kim Chiu sa mga hirit ni Vic Sotto nang makasama niya ito sa kanyang vlog

- Matapos ang kanilang game ay kinailangan ni Vic na gawin ang dare dahil sa mga katanungan na pinili niyang huwag sagutin

- Hindi naipaliwanag nang maigi ni Kim kung bakit anim ang kinailangan nilang i-book na delivery drivers

- Kaya naman, napatanong si Vic at humirit na may sariling mundo si Kim

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nasabihan ni Vic Sotto si Kim Chiu sa bagong vlog ni Kim. Ito ay matapos hindi maipaliwanag nang maayos ni Kim kung bakit anim ang drivers na sosorpresahin nila.

Bossing Vic kay Kim Chiu: "Ikaw may sarili kang mundo ha?"
Bossing Vic kay Kim Chiu: "Ikaw may sarili kang mundo ha?"
Source: Instagram

Matapos ang kanilang Truth or Dare ay tatlong tanong ang hindi nasagot ni Bossing.

Paliwanag ni Kim, anim ang riders na ibo-book nila dahil tatlong tanong ang di niya nasagot at dalawang game daw nila.

Read also

Kim Chiu at Vic Sotto, kinaaliwan sa kanilang batuhan ng joke sa vlog ni Kim

Anim po, yun. Anim po dapat kasi 3 times 2 eh. Dalawa po yung laro natin kanina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila naman naguluhan si Bossing at tinanong si Kim kung saan galing yung 2.

Saan galing yung times 2? Ikaw ah may sarili kang mundo ha?

Tawang-tawa naman si Kim sa reaksiyon na ito ni Bossing.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Andrea Brillantes: "Is my love life or taste in boys really that relevant to this world?"

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel