Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: "Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"

Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: "Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"

- Maging si Ogie Diaz ay umalma sa nagawa ng isang grupo ng kalalakihang nanira umano ng mga gamit sa inupahang resort

- Nag-viral ang video na kuha sa mismong pagsisira ng mga gamit sa resort na ultimo water dispenser ay nagawang ihulog sa pool

- Paalala ni Ogie na maging maayos sa pagrenta sa mga espasyong tulad ng resort na ikinabubuhay ng iba

- Nararapat lamang na pairalin sana ang kagandahang asal sa lahat ng pagkakataon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Ogie Diaz ay hindi napigilang mag-react sa CCTV footage ng isa umanong grupo ng nagrenta sa isang resort sa Laguna.

Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: " Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"
Ogie Diaz (Ogie Diaz FB)
Source: Facebook

Sa video, makikita kung paano nagsira ng mga gamit sa resort ang ilang mga guest na maging ang water dispenser ay nagawang itapon sa swimming pool.

Read also

Luxe Slim CEO, natakbuhan noon ng Php14 million ng sariling kaibigan: "Ninang ng anak ko"

Bukod sa mga sirang upuan at mesa na ang ilan ay naitapon din sa pool, makikita kung gaano karumi na iniwan ng mga naturang bisita ang lugar.

Sa kabila ng nangyari, nagawa pa umanong hingin ng grupo ang kanilang naideposito sa resort.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pagkatapos ng lahat, aba'y kinukuha pa yung deposito. Ganu'n 'yung ginawa sa resort tapos kukunin pa 'yung deposito. Ano bang tinira niyo mga pre? Sana 'wag ganun. 'Yung nirerentahan niyo lang yung space ng ilang oras. Pero para babuyin niyo kawawa naman ho yung naninilbihan dun. 'Yun ang kanilang kabuhayan. Kawawa naman yung may-ari. Yun ang kanilang kabuhayan. Sana pairalin natin yung kagandahang asal," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Pura Luka Vega, sinampahan ng reklamo ng grupong Hijos del Nazareno

Minsan na rin nabigyan ng komento ni Ogie Diaz ang viral video ni GMA actor na si Luis Hontiveros kung saan kinanta niya ang 'Jopay' sa isang pageant sa Pagadian City. Nag-iwan din ng payo si Ogie kay Luis at sa iba pang mga talents na tumatanggap ng out of town shows bilang kanilang mga raket.

Gayundin ang viral video ni Kathryn Bernardo na may hawak umanong e-cigarette. Ayon kay Ogie, sakaling totoo mang gumagamit nito ang aktres, nasa wastong edad na ito at hindi na dapat i-big deal pa umano ang mga ganitong klaseng usapin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel