Luxe Slim CEO, natakbuhan noon ng Php14 million ng sariling kaibigan: "Ninang ng anak ko"

Luxe Slim CEO, natakbuhan noon ng Php14 million ng sariling kaibigan: "Ninang ng anak ko"

- Naikwento ni Anna Magkawas ng Luxe Beauty and wellness group kung paano siya naloko ng sariling kaibigan

- Tumataginting na Php14 million na halaga ng luxury bags ang naitakbo ng ninang ng kanyang anak

- Buntis pa umano siya nang mangyari ito at aminadong labis na nagtiwala sa kaibigang 'di pa rin niyang nakakausap hanggang ngayon

- Gayunpaman, sa kabila ng masaklap na pangyayari, umaapaw naman ngayon ang biyaya sa kanyang negosyo na patuloy na lulago

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Anna Markawas, Founder ng Luxe Beauty and wellness group na minsan na rin umano siyang naloko ng sarili niyang kaibigan.

Luxe Slim CEO, natakbuhan noon ng Php14 million ng sariling kaibigan: "Ninang ng anak ko"
Luxe Slim CEO Anna Magkawas kasama si Ogie Diaz (Anna Magkawas)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, napang-usapan nila ang tungkol sa mga 'scammers' kaya naman naibahagi ni Anna ang karanasan niyang ito na naganap noon siya'y buntis sa bunso nilang anak ng kanyang mister.

Read also

Cristy, inalala pagkain ng mais ni Jay Sonza kaya 'di niya ito pinapatulan: "Nakatingin sa kawalan"

"Pinakamalaki na naranasan ko, buntis ako no'n sa bunso ko. Ninang ng anak ko, nagulat na lang ako nawala nang parang bula... That's Php14 million," pahayag ni Anna.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa asawa ko syempre malaking halaga 'yun. Mga bags, nagpatong-patong. Sabi ko sa'yo madali akong magtiwala. 'Yung cheque naipon ng ganyan [talbog lahat] nawala siya e, nagtago, dagdag pa niya."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nakakalungkot lang na after ng lahat, alam mo 'yung hindi pala sapat na magkaibigan kayo," ayon pa kay Anna na hanggang ngayon ay hindi pa niya muling nakikita.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Anna Andrea Magkawas ay founder ng Luxe Beauty and wellness group na kinabibilangan na sikat na produkto ngayon, ang Luxe Slim. Ilan sa kilalang endorsers nito ay sina Zeinab Harake at Viy Cortez

Read also

Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: "Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"

Matatandaang sa photoshoot ni Zeinab para sa nasabing produkto, naging emosyonal pa ito. Aniya, labis ang pasasalamat niya sa CEO ng Luxe Slim na si Anna dahil sa pagmamahal at suporta nito sa kanya. Napabalita kasi nang mga oras na iyon na hindi na ire-renew pa si Zeinab bilang endorser nito subalit wala naman itong katotohanan.

Ilan naman sa mga celebrity endorsers ng Luxe products ay sina Elisse Joson, Sarah Labhati at maging si Aubrey Miles. Gayundin ang aktor na si Toni Labrusca

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel