Cristy, inalala pagkain ng mais ni Jay Sonza kaya 'di niya ito pinapatulan: "Nakatingin sa kawalan"

Cristy, inalala pagkain ng mais ni Jay Sonza kaya 'di niya ito pinapatulan: "Nakatingin sa kawalan"

- Kailanman ay hindi raw nagawang patulan ni Cristy Fermin ang dating broadcaster at talk show host na si Jay Sonza

- Inaalala niya umano ang pagkakataong nakita niya itong kumakain ng mais at tila nakatingin sa kawalan

- Sa kabila ng kabi-kabilang patutsada umano nito sa kanya, pinili niyang hindi nalang umano pumatol

- Subalit ngayong nakakulong umano ito, tulad ng naiisip umano ng marami, tila umikot na umano ang gulong ng buhay ni Jay Sonza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Cristy Fermin sa pagkakadakip sa dating kilalang broadcaster at TV host na si Jay Sonza.

Cristy, inalala pagkain ng mais ni Jay Sonza kaya 'di niya ito pinapatulan: "Nakatingin sa kawalan"
Jay Sonza FB
Source: Facebook

Naikwento ni Cristy ang isang pagkakataong tumatak sa kanyang isip na siyang dahilan bakit pinili niyang hindi na lamang patulan si Ginoong Sonza.

"One time po kasi, nagbibiyahe po kami ni Tina, ang aking PA. Umuulang hapon yun. Nakita po namin si Mr. Jay Sonza na kumakain ng nilagang mais sa isang sulok ng gasolinahan," naalala umano ni Cristy ang panahong nakakasama niya si Jay sa dating estasyon na kinabibilangan ng kanilang programang 'Mel and Jay' at Cristy Ferminute.

Read also

Luxe Slim CEO, natakbuhan noon ng Php14 million ng sariling kaibigan: "Ninang ng anak ko"

"Ngayon nang titigan ko po siya... Kinakain po niya 'yung nilagang mais na para po bang napakamekanikal. Parang dikta na lang ng utak niya na kainin mo 'yung mais. Pero 'yung utak niya bumibiyahe palayo."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kasi 'yung mata niya, blank stare. Nakatingin sa kawalan. Lagi ko pong naiisip 'yun yung pagkain niya ng mais. Kaya kapag ako ay kanyang binibira, di ko siya pinapatulan, hindi ko siya sinasagot. 'Yung mga pamimintas niyang "Asymptopangit" na para ba namang gumising siya ng isang umaga, pinanganak siyang pinakagwapong lalaki na siya sa mundo. Suer-duper to the max ang kagwapuhan para makapamintas ka ng mga taong hindi ka naman pini-personal."

Gayunpaman, paalala ni Cristy na sadyang umiikot ang gulong ng buhay. Patunay dito ang umano'y pinagdaraanan ngayon ni Jay na gumulantang sa publiko kamakailan.

Read also

It's Showtime hosts, magkakasamang nagbakasyon sa Hong Kong

"Umiikot po ang gulong ng buhay. Hindi po natin pwedeng sabihin na ang ating lakas, ang ating tapang, laging nasa itaas. Iikot po 'yan. Kapag umikot at napunta tayo sa ilallim, magtatanong tayo. Bakit kaya galit na galit sa akin itong mga taong ito. Siguro dahil sa aking mga pinautang na mga salita"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Jay Sonza ay dating broadcaster at talk show host. Mas nakilala siya sa progamang 'Mel and Jay' kung saan nakasama niya ang respetadong newscaster na si Mel Tiangco.

Samantala, isa rin umano si Ogie Diaz sa mga nagbahagi ng kanyang saloobin sa sinapit ni Jay Sonza. Ani Ogie, sa kabila umano ng panlalait nito sa kanya nakaramdam pa rin siya ng awa lalo na sa mga anak nito. Gayunpaman, pinaalalahanan niya si Jay na sana'y maisip pa rin na magbago at magnilay ngayong nakakulong ito.

Read also

Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: "Tanggapin ang kapalaran, magsisi at magbago"

Maging si Lolit Solis ay nakaramdam umano ng awa sa sinapit ni Jay. Aniya, kumpara sa kasikatang minsan nitong tinamasa sa larangan ng TV show hosting, hindi raw niya akalaing ganito ang kinahinatnan ng isang Jay Sonza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel