Rendon Labador, sinita ang 'Ka-Wonder' Family vlog sa content nito
- Sinita ni Rendon Labador ang Wonder Family sa isang vlog nito na prank
- Ayon kay Rendon, hindi tama na gawin ang ganoong klase ng content para lang sa views
- Dipensa ng Wonder Family vlogs, matagal na itong video na pinakita ni Rendon at binura na daw nila ito kaya nakiusap naman sila kay Rendon na burahon na rin ito
- Sinagot ito ni Rendon at tinanong kung bakit nila hinayaan muna mag-viral ang video bago nila binura
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi pinalampas ni Rendon Labador ang content creator na kilala bilang Wonder Family vlog. Inalmahan niya ang isang content nito na prank na ayon sa kanya ay hindi tama.
Umapela naman ang Wonder Family vlogs na kung maari ay burahin ang naturang video dahil nabura na raw nila ito. Aminado naman sila sa kanilang pagkakamali.
Gayunpaman, ani Rendon ay hinayaan pa muna nito mag-viral bago burahin.
Wonder family Bakit mo pa hinayaan mag viral bago mo pinadelete?! Kung ikaw marunong ka mag isip ng tama, una palang pina delete mo na yan, isa ka ring walang alam! Pag sabihan mo yan kapatid mo at baka ma-wonder ko yang pag mumuka niyan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Ayon pa kay Rendon, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Sinabi niya rin na siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin kahit ano pa man ang laman ng naturang envelop. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Binahagi ni Rendon Labador ang post ng BITAG Multimedia Network kaugnay sa paglilinaw nito tungkol sa lumabas na Fake news. Ayon kay Rendon, dahil sa fake news na ito ay nalaman niyang may kapatid daw pala si Sen. Raffy Tulfo. Ang tinutukoy na fake news na ito ay ang napabalitang statement umano ng batikang journalist na si Ben Tulfo laban kay Rendon. Kasunod ito ng mga maanghang na pahayag ni Labador laban kay Michael V.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh