Raffy Tulfo, nakiusap sa publiko na patahimikin na ang pamilya ni Jovelyn Galleno
- Maging si Raffy Tulfo ay nakiusap na rin sa publiko na igalang ang desisyon ng pamilya Galleno sa sinapit ng kaso ni Jovelyn
- Ito ay matapos na lumabas ang resulta ng lie detector test na isinagawa sa dalawa umanong suspek sa kaso
- Nagsalita rin ang kapatid ni Jovelyn ukol dito at sinabing sila mismo ay kumbinsido na sa kinakalabasang ng mga proseso sa paglutas ng nasabing kaso
- May mga netizens kasi na patuloy ang pagpapahayag ng pagkadismaya at sinabing kailangan pa ring tutukan maging ni Tulfo ang kasong ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbigay ng kanyang pahayag si Raffy Tulfo kaugnay sa itinatakbo ng kaso ni Jovelyn Galleno, ang dalagang nawala noong Agosto sa Palawan.
Nalaman ng KAMI na matapos na lumabas ang resulta ng polygraph test kina Joebert Valdestamon at Leobert Dasmariñas, ipinahayag ni Tulfo na iyon na ang huling pagtulong nila sa mga ito.
Lalo na nang bumagsak si Dasmariñas sa lie detector na tila tinataguan pa umano sila at hindi na nagpapaunlak g panayam.
Dahil dito, maraming netizens ang 'di pa rin umano kumbinsido sa paunti-unting kinahihinatnan na ng kaso.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Come on guys, patahimikin na natin 'yung mga immediate relatives, 'yung mga kamag-anak ni Jovelyn. When I say kamag-anak, I'm talking about the mom, and the siblings. Mas masakit po, yung nararamdaman nilang hapdi kaysa po sa inyo o sa atin dito," pahayag ni Tulfo.
Maging ang kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn ay pareho ang pakiusap sa publiko lalo na at naapektuhan na ang kanilang ina tuwing may mababasa o malalaman na may kaugnayan kay Jovelyn.
"'Wag na ho nating dagdagan pa 'yung pahirap na kanilang naranasan. Ang mga kamag-anak po ni Jovelyn ay tanggap na po tanggap na nila 'yan po galing mismo kay Jonalyn. Tanggap na 'yung resulta na unang ipinalabas ng PNP na dible ng NBI, at maganda 'yung paliwanag ng NBI nung proseso ng pag-conduct ng DNA testing... Kung sila po mismong mga kamag-anak ay iginalang ang resulta ng NBI sa DNA testing, galangin din po natin 'di po ba?" dagdag pa niya.
"Again, kung meron po talagang mga taong nasasaktan dito at talagang apektado ng todo-todo ay 'yung mother na Jonalyn. Si Jonalyn at kanyang kapatid... Ngayon po, dahan-dahan na silang nakaka-move on."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag maging ng kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn sa Raffy Tulfo in Action:
Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.
Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.
Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.
Isa ang programang Raffy Tulfo in Action sa tumutok sa pag-usad ng kaso ng pagkawala na ito ni Jovelyn.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh