Leobert Dasmariñas, bagsak sa lie detector test; umano'y umiiwas na sa RTIA
- Ibinahagi ng Raffy Tulfo in Action ang resulta ng lie detector test sa mga umano'y suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno
- Pumasa sa naturang test si Joebert Valdestamon, habang bumagsak naman si Leobert na ngayo'y nagtatago na umano
- Sinusubukan umano ng RTIA na makapanayam at hingan ng panig si Leobert Dasmariñas subalit hindi na ito nakikipag-ugnayan sa kanila
- Samantala, ang pumasa naman na si Valdestamon, na umano'y nagsasabi ng katotohanan at makatatanggap ng tulong mula sa nasabing programa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinahagi ng programang Raffy Tulfo in Action ang resulta ng isinagawang lie detector test sa umano'y mga suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno mula Palawan.
Nalaman ng KAMI na bumagsak sa naturang test ang suspek na si Leobert Dasmariñas habang pumasa ang isa pang nadidiin na si Joebert Valdestamon.
Matapos ang isinagawang polygraph test, hindi na umano nagkapanayam ng RTIA si Dasmariñas.
Ayon mismo sa staff ni Tulfo na nasa Palawan upang tutukan ang usad ng kaso, maging sila ay iniiwasan na rin ito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Si Leobert, binababaan pa rin tayo ng telepono so again hindi natin pwedeng pilitin 'yung tao kung ayaw makipag-usap sa atin. 'Yung pagbibigay po namin ng tulong dito, kailangan 'yung pagtanggap ay voluntary hindi sapilitan po," ni Tulfo.
"In this case, ito pong si Leobert, ayaw na ng tulong namin at siya po ay nagtatago na. So wala na po kaming magagawa," dagdag pa nito.
Samantala, si Jobert naman pumasa na naman sa lie detector test at sinasabing nagsasabi umano ng katotohanan ay nagpaunlak ng panayam kay Tulfo.
Siya ay tutulungan din ng RTIA lalo na at maraming araw din siyang hindi nakatrabaho at iba pa umanong tulong na kakailanganin nito.
Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.
Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.
Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.
Isa ang programang Raffy Tulfo in Action sa tumutok sa pag-usad ng kaso ng pagkawala na ito ni Jovelyn.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh