Senator Raffy Tulfo, todo ang suporta sa pamilya ni Jovelyn Galleno
- Todo-todo ang suporta ni Senator Raffy Tulfo sa pagresolba ng kaso ni Jovelyn Galleno
- Maging ang pamilya nito na matindi ang pinagdaraanan sa sitwasyon ay tutulungan din ng senador
- Katunayan, ihahanap niya ng bagong tirahan ang pamilya Galleno para sa seguridad ng mga ito
- Bukod pa rito, magbibigay si Tulfo ng malaking halaga ng pera para sa pangkabuhayan ng pamilya Galleno
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tinutukan na nig programa ni Senator Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ang kaso ng pagkawala ni Jovelyn Galleno.
Nalaman ng KAMI na nagpadala na ng reporter at staff si Tulfo sa Puerto Princesa Palawan upang tutukan ang bawat kaganapan sa pag-usad ng kaso ni Jovelyn.
Bagama't lumitaw at umamin na 'di umano ang sinasabing suspek sa pagkawala nito, tila diskumpiyado pa rin ang pamilya Galleno rito.
Kaya naman sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at pagresolba sa pagkawala ng dalaga, minabuti ni Tulfo na tiyakin din ang seguridad ng pamilya nito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Kami po ay magbibigay ng tulong, nasabi ko po sa aming reporter na ilipat po kayo ng tirahan, safe. Hindi po natin sabibhin on air kung saan niyo po gusto kami po ay magsi-set up ng matutuluyan ninyo. Anuhan po ng one year 'yung rental ninyo," ani Tulfo.
"Magbibigay po ako ng Php500,000 para po sa pangkabuhayan ninyo na makakatulong po sa pagpapanimula ninyo. Depende po sa negosyong gusto niyo po para yung Php500,000 makakatulong po 'yun. Pero 'yun pong titirahan niyo po for one year, tubig kuryente, babayaran na rin po namin,"dagdag pa ng senador.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.
Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.
Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh