Ina ni Jovelyn, nakapanayam ni Tulfo; naikwentong pinsan ng suspek ang biktima

Ina ni Jovelyn, nakapanayam ni Tulfo; naikwentong pinsan ng suspek ang biktima

- Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang ina ni Jovelyn Galleno na si Jelyn

- Nasabi nitong tanggap na niya ang naging rebelasyon ng isa sa mga suspek na pinsan ng biktima kung paano nila ito pinaslang

- Bilang tugon sa tanong ni Tulfo, naikwento nito ang pagpunta-punta ng suspek sa bahay nila na ikinagagalit noon ni Jovelyn

- Sinasabing naituro na ang mga buto ni Jovelyn gayung ang mismong pinsan na ang nakagawa ng karumal dumal na krimen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam mismo ni Raffy Tulfo ang ina ni Jovelyn Galleno na si Jelyn.

Ina ni Jovelyn, nakapanayam ni Tulfo; naikwentong pinsan ng suspek ang biktima
Photo from (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilang oras matapos na mapanood ng programang Raffy Tulfo in Action ang video ng pag-amin ng suspek, nakipag-ugnayan agad sila sa pamilya ni Jovelyn.

Natanong pa ni Tulfo si Jelyn kung kumbinsido na ito sa mga rebelasyon ng suspek na nakilalang si Leubert Dasmariñas, pinsan ng biktima.

Read also

Jonalyn Galleno, sinabing umamin sa kanya ang pinsan na hindi kay Jovelyn ang kalansay

"'Yun pong pamangkin niyo umamin na po, dalawa sila. Satisfied po ba kayo sa statement nung pag-amin nung lalake na pamangkin po ninyo," tanong ni Tulfo na agad namang sinagot ng ina ni Jovelyn ng 'opo'.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nausisa rin ni Tulfo kung nagtutungo ba ang suspek sa tahanan nina Jovelyn gayung may pagnanasa na talaga ito sa pinsan.

"Pumupunta po, dati pa po... Naga-inom mag-isa kaya nagagalit si Jovelyn," ayon sa ina ng biktima.

Samantala, tutulong naman umano si Senator Tulfo sa pagpapa-DNA sa sinasabing kalansay ni Jovelyn na siyang itinuro ng suspek.

Ito ay upang masiguro na si Jovelyn nga ang nagmamay-ari ng mga butong natagpuan kasama ng mga gamit niya nang araw na siya ay nawala.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Senator Tulfo sa ilang kaanak ni Jovelyn mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Read also

Cristy Fermin, todo puri kay Alden Richards sa pagpapahalaga nito sa pamilya

Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.

Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.

Ngayong Agosto 23, halos tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel