Cristy Fermin, todo puri kay Alden Richards sa pagpapahalaga nito sa pamilya

Cristy Fermin, todo puri kay Alden Richards sa pagpapahalaga nito sa pamilya

- Todo puri sina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez ng Showbiz Now Na! kay Alden Richards

- Ito ay dahil sa pagpapahalaga nito sa kanyang pamilya at inuna ang kapakanan ng mga ito

- Ilan sa mga ito ay ang pagpapa-aral sa kapatid at pagbibigay ng tahanan sa kanyang pamilya

- Maging ang dating napasukang trabaho na isang furniture shop ay patuloy pa rin umano nitong binibista at nagbibigay na ngayon ng tulong doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang kapuri-puri umano ang kabutihan ni Alden Richards lalo na pagdating sa pagpapahalaga nito sa kanyang pamilya.

Cristy Fermin, todo puri kay Alden Richards sa pagpapahalaga nito sa pamilya
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa siya sa mga nabanggit nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Morly Alinio ng Showbiz Now Na! sa mga artistang inuna ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili.

"Noong magkaroon siya, pinag-aral niya 'yung kapatid niya. Binigyan niya ng negosyo 'yung kapatid niya. itinira niya sa napakagandang bahay ang kapatid niya. Isa lang ang regrets niya. Sana raw naranasan din ng nanay niya yung kaligayahang ibinibigay niya sa pamilya niya ngayon," ani Morly.

Naikwento naman ni Wendell ang umano'y kabutihan ni Alden sa dating Furniture shop na dati siyang tumutulong.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ngayong sikat na siya, pumupunta pa rin siya doon. Sabihin niya, o nay ano bang maitulong ko diyan? Napakabait talaga. Hindi nakakalimot," ani Wendell.

"Nagsakripisyo talaga, inuna muna ang poder ng kanilang pamilya bago ang mga ipinagdamot ng kapalaran sa kanila," ayon naman kay Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag kay Alden mula sa Showbiz Now Na!:

Si Richard Reyes Faulkerson Jr., o mas kilala bilang si Alden Richards ay isang Filipino actor, product endorser, ambassador, entrepreneur, at recording artist.

Mas nakilala si Alden nang maging kapareha niya si Maine Mendoza at naging instant love team na "AlDub' ng Eat Bulaga.

Pinakaabangan ang kanilang 'Kalyeserye' sa noontime show hanggang sa kanilang pagkikita noong July 16, 2015 na ginanap pa sa Philippine Arena.

Ngayon, pinakaaabangan ang sinasabing pagtatambal nina Alden at ngayo'y Kapuso Star na si Bea Alonzo.

Matatandaang minsan na rin siyang napuri ng komedyanteng si Pokwang nang matanong ito kung sino ang pinakamabait na showbiz personality na nakatrabaho nito. Ang isinagot ni Pokwang ay si Alden.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel