Coney Reyes, emosyonal nang maging special guest sa 43rd anniversary ng Eat Bulaga
- Emosyonal si Coney Reyes nang maging special guest ito ng "Eat Bulaga"
- Matatandaang isa si Coney Reyes sa mga original host ng longest running noontime show sa bansa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Bukod kina Tito, Vic at Joey, pinasalamatan din niya isa-isa ang mga host ng programa maging ang mga bago lamang sa kanilang Eat Bulaga Family
- Nilarawan niyang "coming home" ang pagbabalik sa programang tunay na napamahal sa kanya
Special guest ng Eat Bulaga si Coney Reyes sa pagdiriwang ng programa ng ika-43 na anibersaryo nito ngayong Hulyo 30.
Nalaman ng KAMI na isa si Coney sa mga orihinal na host ng programa. Naging bahagi siya ng Eat Bulaga family noong 1982 hanggang 1991.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kaya naman sa kanyang pagbisita sa programa, nilarawan niya itong 'coming home.'
Sinalubong siya ng lahat ng bumubuo ng Eat Bulaga lalong-lalo na nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
"Some of the fun years that I had in show business was here with the Eat Bulaga family. Especially with Tito, Vic, and Joey... Marami akong natutunan sa kanila. Sobrang marami," emosyonal na pahayag ni Coney.
Pinasalamatan din niya isa-isa ang mga Eat Bulaga host maging ang mga bago nilang kasama tulad nina Maja Salvador at Miles Ocampo.
Maging si Maine Mendoza ay binati rin niya lalo na at kilala umano ang ngayo'y fiance' nito na si Arjo Atayde.
Binigyang pugay din ni Coney si Vic at misis nitong si Pauleen Luna dahil sa todo-todong suporta ng mga ito kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
Aniya, malaking bagay din ang Eat Bulaga sa pamumuno ngayon ng anak nilang si Vico sa Pasig.
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa pagbisita ni Coney Reyes sa Eat Bulaga:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest running noontime show sa bansa. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey." Doon nga nila nakasama ang isa sa mga batikang aktres at host sa Pilipinas na si Coney Reyes, ang ina ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh