Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022

Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022

- Isa lamang si Vice Ganda sa mga nagtaka kung bakit natagalan ang pag-anunsiyo sa nanalo bilang Miss International sa Binibining Pilipinas 2022

- Bago pa tuluyang mabanggit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang nanalo, isang staff ang umakyat at may ibinulong sa dalawang hosts na sina Catriona at Binibining Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordovez

- Kasunod nito ay marami ang kinabahan dahil natagalan pa bago tuluyang magsalita ang mga hosts

- Maging ang mga netizens ay hindi napigilang magtaka kung ano ang umano'y tunay na nangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napatanong si Vice Ganda kaugnay sa naiintrigang matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022. Makikita sa livestream video na bago pa tuluyang mabanggit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang nanalo, isang staff ang umakyat at may ibinulong sa mga hosts.

Read also

Herlene Budol, humakot ng pitong minor awards sa Binibining Pilipinas 2022

Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022
Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022 (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Lalong tumindi ang tensiyon habang patuloy na naririnig ang suspense music sa background bago pa tuluyang banggitin ni Catriona ang nanalo.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Vice Ganda na sana ay walang nagkapalit ng korona.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host ,komedyante at negosyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na kabilang sa ilan sa mga pinakasikat niyang pelikulang nagawa. Isa rin siya sa mga main hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang pananaw kaugnay sa pagbuo ng pangarap sa buhay at sa pagdarasal sa Panginoon. Sa opening ng "It's Showtime" ay napag-usapan ng mga hosts ang tungkol sa kung ano ang pangarap pa nila na mangyari sa kanilang buhay. Ayon kay Vice, dapat ay taasan ang pangarap at maniwalang kaya itong abutin sa tulong na rin ng pagdadasal. Ang mahalaga umano ay dapat palaging sincere kapag nagdadasal sa Panginoon

Read also

Herlene Nicole Budol, pinalakpakan sa kanyang sagot sa Q&A

Kamakailan ay binanggit ni Vice ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa muling pagbabalik ng Miss Q&A. Sa kanilang opening ay nakasama niya ang ilan sa mga bahagi ng naunang mga edition ng Miss Q&A at nakausap niya ang mga ito. Napag-usapan nila ang mga dating mga naging bahagi ng naturang patimpalak at ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito. Ang bagong edition ng Miss Q&A ay pinamagatang "Miss Q & A: Kween of Multibeks"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel