Herlene Budol, humakot ng pitong minor awards sa Binibining Pilipinas 2022

Herlene Budol, humakot ng pitong minor awards sa Binibining Pilipinas 2022

- Humakot ng awards si Herlene Nicole Budol sa Binibining Pilipinas 2022

- Sa ikalawang pagbibigay ng minor awards, nasungkit ni Herlene ang anim sa mga ito

- Bago ang ikalawang awarding ng special awards ay nasungkit niya ang Manila Bulletin Reader's Choice Award

- Isa si Herlene sa mga kandidata sa Binibining Pilipinas 2022 na may pinakamaraming tagasuporta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hakot awards si Herlene Nicole Budol sa ikalawang pagbibigay ng minor awards. Anim sa mga minor awards ang kanyang nasungkit bukod pa sa Manila Bulletin Reader's Choice Award na nauna nang nai-award sa kanya.

Herlene Budol, humakot ng pitong minor awards sa Binibining Pilipinas 2022
Herlene Budol, humakot ng pitong minor awards sa Binibining Pilipinas 2022 (@herelene_budol)
Source: Instagram

Marami naman sa kanyang mga fans ang nag-ingay sa Twitter sa pagkapanalo ni Herlene ng maraming awards:

Gabi ni Nicole Budol talaga. Sealed na talaga isang crown, despite of a bit buckling sa q and a na nadeliver niya rin naman ng mahusay

Read also

Ina ni Herlene Budol, aminadong na-disappoint sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hakot award @herlene_budol Go girl! Medyo teary eyes ako sa Q&A mo.

Bagay kay Herlene Budol Miss Grand International Crown. Ibigay niyo kay Herlene Budol! Sobrang bagay siya dun. #BinibiningPilipinas2022

Ngayong gabi, July 31, 2022 nakatakdang ganapin ang pinakainaabangang coronation night ng Binibining Pilipinas. Hindi pa man natatapos ang pageant, bumuhos na ang suporta kay Herlene lalo at kilala siyang malapit sa masa dahil na rin sa pagkabilang niya sa programa ni Willie Revillame.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Read also

Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022

Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel