Herlene Nicole Budol, pinalakpakan sa kanyang sagot sa Q&A

Herlene Nicole Budol, pinalakpakan sa kanyang sagot sa Q&A

- Pinalakpakan si Herlene Nicol Budol sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion

- Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga

- Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene

- Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naghiyawan ang fans ni Herlene Nicole Budol matapos niyang masagot ang tanong sa kanya ng nabunot niyang hurado. Sinagot niya ang tanong sa kanya gamit ang Wikang Tagalog.

Herlene Nicole Budol, pinalakpakan sa kanyang sagot sa Q&A
Herlene Nicole Budol, pinalakpakan sa kanyang sagot sa Q&A (@herelene_budol)
Source: Instagram

Nabunot ni Herlene ang huradong si Cecelio Asuncion na nagtanong nang, What has been your biggest character transformation since you joined?

Sinalin siya sa kanyang tanong sa wikang Filipino na pinagpasalamat ni Herlene. Kabilang sa kanyang sagot ay, "Isa akong komedyante na laki sa hirap, at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon."

Read also

Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong gabi, July 31, 2022 nakatakdang ganapin ang pinakainaabangang coronation night ng Binibining Pilipinas. Hindi pa man natatapos ang pageant, bumuhos na ang suporta kay Herlene lalo at kilala siyang malapit sa masa dahil na rin sa pagkabilang niya sa programa ni Willie Revillame.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel