Mayor Vico, nakatutok sa serbisyo sa Pasig kaysa sa pagbibigay ng apo kina Vic At Coney

Mayor Vico, nakatutok sa serbisyo sa Pasig kaysa sa pagbibigay ng apo kina Vic At Coney

- Mas nakatutok umano si Mayor Vico Sotto sa pagbibigay serbisyo sa Pasig City kaysa sa pagkakaroon ng love life

- Minsan na raw kasi niyang sinagot ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig na naging mas madalas na pag-usapan kaysa sa kanyang mga nagagawa para sa kanilang lungsod

- Kaya naman ang pagbibigay ng apo sa kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes ay hindi niya prayoridad sa ngayon

- Ikalawang termino na ni Mayor Vico sa Pasig City buhat nang manalo siya noong 2019 elections

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakatutok pa rin si Mayor Vico Sotto sa kanyang serbisyo sa Pasig City kaysa sa kanyang love life.

Mayor Vico, nakatutok sa serbisyo sa Pasig kaysa sa pagbibigay ng apo kina Vic At Coney
Vico Sotto kasama ang kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes (@vicosotto)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ni Ogie Diaz nang maging panauhin niya ang alkalde sa kanyang YouTube channel.

Read also

Vice Ganda, nagbiro tungkol sa taong umano'y nagpaparinig at nakikisali

"Wala bang pressure from your parents na 'anak, kailangan mo ba kami bibigyan ng apo?" tanong ni Ogie kay Mayor Vico.

"Hayaan mo sila," ang agad namang naisagot ng alkalde ng Pasig City. "Hindi ko na pinapansin 'yung mga ganyan... Dito tayo nilagay ng Diyos ngayon. Alam naman siguro ng Diyos ang ginagawa niya 'di ba? So kailangan kong mag-focus ngayon," paliwanag naman ni Mayor Vico.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayundin nang mapag-usapan nila ang kanyang love life. Makailang beses na umano siyang natanong ukol dito at tila ito na rin ang napagtutuunan umano ng pansin ng mga tao at hindi ang mga nagagawa niya para sa kanilang lungsod.

"Early 2019, bago ako naging mayor, maraming nagtatanong ng ganyan. Ako siyempre 'pag may nagtanong sa akin, sasagot ako. Ang problema, laging 'yun ang nagiging viral. Kung anong sagot ko, kung magbiro man ako 'dun... Nagtatrabaho tayo dito, may mga project tayo, hindi napapansin. 'Yung napapansin, 'yung mga sagot ko sa ganoong tanong. Siguro mga end of 2019, hindi na ako sasagot ng tanong tungkol sa love life," ani Mayor Vico na isa sa mga tinitingala sa bansa pagdating sa pamumuno ng kanilang lungsod.

Read also

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Mayor Vico Sotto ang kasalukuyang alkalde ng Pasig City na nanunungkulan sa kanyang ikalawang termino. Anak siya ng mga batikang mga artista at host sa bansa na sina Vic Sotto at Coney Reyes.

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Maliban sa mga latest Showbiz Updates, nagbibigay inspirasyon naman ang interviews ni Ogie Diaz sa mga kilalang personalidad lalo na ang mga kwento ng kanilang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral. Ilan sa mga nakapanayam niya kamakailan ay ang kilalang half man skateboarder na si Kevin Almazan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel