Ogie Diaz sa umano'y naging reaksyon ni Willie Revillame; "E ganun talaga e, ikaw 'yung napapanood"

Ogie Diaz sa umano'y naging reaksyon ni Willie Revillame; "E ganun talaga e, ikaw 'yung napapanood"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz sa naging reaksyon ni Willie Revillame ukol sa 'constructive criticism niya' sa naging performance ni Toni Gonzaga sa AllTV

- Aniya, may himig ng malasakit ang kanyang nasabi lalo na at nagsisimula pa lamang ang programa

- Naibahagi rin niya ang ilang komento ng netizens patungkol kay Willie na hayagan din umanong pumuna noon sa mga hindi niya nagugustuhan kasi nasa ere pa ang programa

- Ayon pa kay Ogie, sila man ay nakatatanggap din ng kritisismo ngunit kibit balikat lamang sila lalo na sa mga bashers

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang YouTube channel ay ang umano'y naging reaksyon ni Willie Revillame sa kanyang naging komento sa performance ni Toni Gonzaga sa ALLTV.

Ogie Diaz sa umano'y naging reaksyon ni Willie Revillame; "E ganun talaga e, ikaw 'yung napapanood"
Photo: Ogie Diaz
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan, nilinaw ni Ogie na 'constructive criticism' ang kanyang ginawa upang mas maging maayos ang susunod ng mga pagtatanghal sa programa.

Read also

Ogie Diaz, concern sa kapansin-pansin umanong pamamaos ni Kuya Wil; " Kasi nahahalata na"

"May himig ng malasakit 'yung akin Loi!" pahayag ni Ogie.

May ilan din daw kasing mga netizens ang nagsabing maging si Willie ay nakapagbibitiw din ng pagpuna, kahit pa ito ay 'on-air'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Biglang balik ng, 'e ikaw nga Willie Revillame, kapag ayaw mo 'yung mga napapanood mo, o performance ng mga talents niyo sa 'Wowowin', e on air, live na live sinisita mo sila, pinupuna mo sila," ang balik naman ng ilang netizens.

Kaya naman nagbigay si Ogie D ukol sa pagtanggap ng kritisismo ng ibang tao.

"Kapag marunong kang mamuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna. Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos, para ikaw lang ang may karapatang pumuna. Dapat marunong ka ring tumanggap ng puna," ani Ogie D.

"Katulad namin, hindi niyo lang alam kung gaanong atake ang laging pinakakawalan against us. Pero kami, Okay lang kibit balikat," dagdag pa niya.

Read also

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

"'E ganun talaga e, ikaw 'yung napapanood, ikaw din 'yung sisitahin. Ikaw din ang pupurihin kapag may kapuri-puri"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel