Ogie D, sa bashers niya matapos ang komento kay Toni G; "Pangit ba yung sinabi ko?"

Ogie D, sa bashers niya matapos ang komento kay Toni G; "Pangit ba yung sinabi ko?"

- Muling nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa naging komento niya sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

- Na-bash umano si Ogie matapos magbigay ng 'constructive cristicism' sa kinalabasan ng song and dance number ni Toni

- Aniya, magkumare sila sa actress/ TV host at sakaling magkita sila malamang pagchikahan lamang nila ito

- Malaki rin umano ang posibilidad na dahil sa kanyang komento ay napag-usapan din ng management ang kanyang suhestyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Mama Loi, Ate Mrena at Ogie Diaz sa kanilang pinakabagong Showbiz Update ay ang production number ni Toni Gonzaga kamakailan sa ALLTV.

Ogie D, sa bashers niya matapos ang komento kay Toni G; "Pangit ba yung sinabi ko?"
Ogie Diaz (@ogie_diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na na-bash umano si Ogie dahil sa kanyang prangkang pagpuna sa kinalabasan ng song and dance number ni Toni lalong-lalo na ang audio nito.

Read also

RR, naikwentong minsang naglaro sa ibang babae si Jayjay; "Pero binago siya ni God"

"O, bakit ako iba-bash? Pangit ba yung sinabi ko?" bungad ni Ogie.

"Constructive criticism po 'yung akin. Si Toni ay kilala ring singer. Big deal sa mga singers ang sound system. Ang kanilang reinforcement, sa sound system. Gusto nila maganda 'yung tunog," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

'Pero Loi, siyempre naiintindihan naman natin yan e. nag-uumpisa pa lang naman 'yung show. Kaya siyempre sa mga susunod, ay mag-eexpect tayo ng mas magandang sound system. para maganda 'yung audio ni Toni," paliwanag pa ni Ogie.

Nabanggit din niyang walang masamang tinapay sa kanila ni Toni lalo na at kumare pala niya ito.

"Magkumare po kami ni Toni. Inaanak po ni Toni yung ikatlo kong anak. 'Pag nagkikita kami ni Toni para lang kaming mga sira ulo. Chikahan kami ng bongga. Saka jusko, ano ba hindi naman masama 'yung sinabi ko. I'm sure laman 'yan ng kanilang meeting," naikwento pa nito.

Read also

Mga post ni Dennis Padilla ukol sa naging interview sa anak na si Julia, burado na

Aniya, nagsisimula pa lamang ang pagsasa-ere ng mga programa sa AMBS2 kaya naman nangyayari ang mga ganoong bagay.

"Syempre, there's always room for improvement," ani Ogie.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel