RR, naikwentong minsang naglaro sa ibang babae si Jayjay; "Pero binago siya ni God"

RR, naikwentong minsang naglaro sa ibang babae si Jayjay; "Pero binago siya ni God"

- Naikwento ni RR Enriquez na minsan ding naglaro sa ibang babae ang nobyong si Jaykay Helterbrand

- Aniya, sa unang taon ng kanilang relasyon na noo'y hindi pa umano sila official, naging malikot umano si Jayjay sa iba

- Ngunit nagbago raw ito nang mas maging malapit sa Panginoon at naikwento pa niya ito sa isa sa mga naging testimonials niya

- Sa ngayon masaya pa ring nagsasama ang celebrity couple at todo suporta pa si Jayjay sa YouTube channel ni RR bilang 'Sawsawera Queen'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni RR Enriquez sa bagong episode ng kanyang vlog ang minsang paglalaro sa ibang babae ng kanyang nobyo sa Jayjay Helterbrand.

RR, naikwentong minsang naglaro sa ibang babae si Jayjay; "Pero binago siya ni God"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napag-usapan nila ito ng kanyang guest co-host na si Dylan Ababou na kailanma'y hindi nagloko sa kanyang nakarelasyon kahit napapatingin lang at nagagandahan sa ibang abbae.

Read also

Mga post ni Dennis Padilla ukol sa naging interview sa anak na si Julia, burado na

"Bakit si Jayjay hindi ganyan," naibulalas ni RR. "Noong first year namin dahil hindi pa official na kami, naglaro din 'yan sa ibang mga babae.'Di ba naikwento niya yan sa mga testimonies niya which is very inspiring kasi binago daw siya ni God," pahayag ni RR.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ngayon naging honest, loyal. Sumobra na sa pagka-honest at loyal," dagdag pa ni RR.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Read also

Morly ng SNN, nausisa si Derek sa pagbubuntis ni Ellen; "Sa 2024 pa!"

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel