Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

- Aminado si Vice Ganda na gusto niyang magkaroon ng kanyang sariling anak kapag dumating ang tamang panahon

- Si Vice Ganda ang naging panauhin ni Maricel Soriano sa kanyang YouTube vlog na pinamagatang "Ang Tanong ko ang Sagutin mo"

- Kung siya ang masusunod, gusto umano ni Vice na babae ang kanyang magiging anak para maayusan niya

- Gayunpaman, 'bongga' na rin daw kung lalaki ang ibibigay sa kanya na anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Vice Ganda na gusto niya din magkaroon ng kanyang sariling anak. Kung siya ang masusunod, babae umano ang gusto niya para maayusan niya ang kanyang magiging anak.

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak
Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Aniya, hindi niya pa alam kung kailan niya magagawa iyon pero nagbibilang daw siya ng mga taon kung maalagaan niya ang anak.

“Actually, nagko-compute din ako. Maaalagaan ko pa ba ito pag ganito'ng edad [ko]?’ Pag nag-debut siya, ilang taon ako nun? Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya? Iniisip ko rin iyong mga ganoon,”

Read also

Ogie Diaz sa umano'y naging reaksyon ni Willie Revillame; "E ganun talaga e, ikaw 'yung napapanood"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel