Video ng security guard na walang-awang ginulungan ng sasakyan, viral
- Viral ngayon ang video kung saan makikita na walang-awang ginulungan ang isang traffic enforcer
- Makikita sa video na tila sinita ng enforcer ang driver ng sasakyan
- Subalit, sa halip na tumabi bahagyang binangga na nito ang traffic enforcer
- Ang Masaklap, ginulungan pa siya ng sasakyang hanggang sa tuluyan itong nakatakas
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Usap-usapan ngayon ang umano'y video ng isang traffic enforcer na walang-awang ginulungan ng driver.
Naganap umano ito malapit sa SM Megamall ngayong Hunyo 5
Sa unang bahagi ng video, makikitang tila pinatatabi na noon ng enforcer ang sasakyan.
Subalit s halip na itabi ito, bahagya na niyang binundol ang enforcer.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang mapahiga ang enforcer dahil sa pagkakabunggo, nagawa pa siyang pagulungan ng driver hanggang sa tuluyang itong makatakas.
Maraming netizens ang nais na makilala ang may-ari ng sasakyan upang mabigyan ito ng kauukulang kaparusahan.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Pure evil, and no one stopped to help the poor man"
"Does anyone know if the officer is okay? Did anyone stop to check on him and take him to a hospital?"
"Walang puso ang driver ng puting sasakyan. Grabe! mukhang balak niyang tuluyan yung enforcer"
"'Yung ginagawa mo lang naman 'yung trabaho mo pero mapapahamak ka parin talaga. Saklap!"
Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi rin ni James Deakin:
Matatandaang noong Mayo 2021, hinangaan naman ang isang traffic enforcer na hindi lumaban sa sinita niyang motorista dahil 'beating the red light' ito. Pumalag ang babae na nagawa pang saktan ang enforcer.
Nag-viral pa ang video ng komprontasyong ito na nauwi sa pagkabisto ng umano'y iba pang 'di magandang gawain ng babae na may kaugnayan sa droga.
Samantala, nagbigay saya rin sa mga netizens ang video ng isa ring enforcer na nagawang humataw sa mga 'TikTok Dance' habang isinasaayaos ang trapiko sa gitna ng kalsada. Ang nakakaagaw pa lalo ng pansin ng mga dumaraan ay ang music na ginagamit niya sa pagsasayaw na kilalang-kilala ngayon sa TikTok.
Source: KAMI.com.gh