Ian Veneracion, hinangaan sa kanyang payo sa mga anak na lalaki

Ian Veneracion, hinangaan sa kanyang payo sa mga anak na lalaki

- Trending si Ian Veneracion kasunod ng paglabas ng vlog ni Karen Davila kung saan siya ang guest

- Ito ay matapos maibahagi niya ang kanyang payo sa kanyang mga anak na lalaki pagdating sa pakikipagrelasyon

- Aniya, madaling mambabae ngunit hindi umano ito cool at naniniwala siyang ang pagiging matapat sa taong karelasyon ang tamang gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Si Ian ay may dalawang anak na lalaki: sina Tristan Draco Veneracion at ang bunsong si Duccio Veneracion

Hinangaang muli si Ian Veneracion sa binahagi nitong payo sa kanyang mga anak na lalaki pagdating sa pakikipagrelasyon. Aniya, madaling mambabae ngunit hindi umano ito cool at naniniwala siyang ang pagiging matapat sa taong karelasyon ang tamang gawin.

Ian Veneracion, hinangaan sa kanyang payo sa mga anak na lalaki
Photo from Ian Veneracion (@ianveneracion1)
Source: Instagram

Sa kanyang guesting sa vlog ni Karen Davila ay nabanggit niya ang tungkol sa kanyang payo na ito sa kanyang mga anak na lalaki.

Read also

Ian Veneracion, isa ding mahusay na pintor kagaya ng kanyang ama

"Madaling mambabae, kahit sino puwedeng mambabae. There’s nothing cool about it. Pero ’yung sticking to the one you know that’s meant for you, that’s the right path. It takes more of a man to be like that."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ian ay maagang ikinasal sa kanyang misis at sila ay 25 taon nang mag-asawa.

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Sa isang vlog ni Bea Alonzo ay nakausap niya si Ian at naibahagi nito na wala siyang pagsisisi na maaga siyang nag-asawa. Ikinasal siya sa edad na 22, apat na taon matapos niyang makilala ang maybahay na si Pam Gallardo. Dito sa panayam ay napaamin siya ni Bea tungkol sa kanyang pagiging seloso.

Ani Ian, tinuturing niyang best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay. Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel