Ian Veneracion, isa ding mahusay na pintor kagaya ng kanyang ama

Ian Veneracion, isa ding mahusay na pintor kagaya ng kanyang ama

- Si Ian Veneracion ay kilala bilang isa sa mga Pinoy actors na mayroong maraming talento

- Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bukod sa pag-arte ay marunong din itong kumanta at isa ding lisenced pilot

- Sa panayam ni Karen Davila ay naibahagi nito ang isa pa niyang natatanging talento at ito ay pagiging isang pintor

- Naibahagi ni Ian na ang kanyang amang si Roy Veneracion ay isa ding kilalang artist sa larangan ng abstract painting

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ian Veneracion na kilala ng publiko bilang multi-talented ay mayroon pang isa pang talentong hindi pa alam ng karamihan. kagaya ng kanyang amang si Roy Veneracion, nahihilig din si Ian sa abstract painting.

Ian Veneracion, isa ding mahusay na pintor kagaya ng kanyang ama
Photo from Ian Veneracion (@ianveneracion1)
Source: Instagram

Sa video na binahagi ni Karen Davila ay pinakita niya ang ilan sa kanyang mga obra at inisa-isa niya itong pinaliwanag.

Read also

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

Ayon kay Ian, kahit noong bata pa lang siya ay mahilig na siyang sumubok sa mga bagay-bagay kaya marami din siyang natututunan.

Sa katunayan, sa kanyang murang edad ay pinasok niya ang pagiging artista. Marunong din siya pagdating sa paggawa ng kanta. Pinarinig niya kay Karen ang isang komposisyon niya at hindi maitago ng journalist ang kanyang pagkabilib sa talento ni Ian.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Sa isang vlog ni Bea Alonzo ay nakausap niya si Ian at naibahagi nito na wala siyang pagsisisi na maaga siyang nag-asawa. Ikinasal siya sa edad na 22, apat na taon matapos niyang makilala ang maybahay na si Pam Gallardo. Dito sa panayam ay napaamin siya ni Bea tungkol sa kanyang pagiging seloso.

Ani Ian, tinuturing niyang best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay. Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel