Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na
- Pumanaw na si Nanay Gloria Beltran ang supporter ni VP Leni Robredo na naging emosyonal sa viral video
- Matatandaang pumukaw ng atensyon ang larawan at video ni Nanay Gloria nang matiyaga siyang naghintay na dumaan ang motorcade ni VP Leni
- Pinalad din siyang makaakyat sa entablado ng isa sa mga naging campaign rally nito kung saan muli siyang naging emosyonal nang mayakap niya ang sinuporatahang pangulo
- Sa kasamaang palad, binawian na rin ng buhay si Nanay Gloria ilang araw matapos ang eleksyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sumakabilang buhay na si Nanay Gloria Beltran, ang 75-anyos na supporter ni Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo.
Nalaman ng KAMI na kinumpirma ito ng Tarlac Youth for Leni na humingi rin ng tulong pinansyal sa pamilya ni Nanay Gloria.
Nahirapan umanong makuha ang labi nito dahil sa kakapusan ng salapi na agad namang pinagtulung-tulungang malikom ng kapwa niya Leni supporters.
"Sobrang nakakalungkot ang balitang ito. Pumanaw na po si Nanay Gloria Beltran, siya po yung matandang babaeng nag viral na umiiyak habang sinasalubong ang pagdating ni VP Leni sa Gerona, Tarlac.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Rest well, Nanay Gloria. Tunay po kayong inspirasyon saming mga kabataan. Hanggang sa huli, nanindigan po kayo sa tama. Salamat sa pag-mamahal sa Pilipinas."
Matatandaang si Nanay Gloria ang nakunan ng larawan at video na naluluha na habang nag-aabang sa pagdaan ng bise presidente na ngayo'y tumatakbo sa pagka-pangulo.
Kwento ni Nanay Gloria, maaga siyang gumising para makpuwesto ng maayos at makita si VP Leni.
Hiling niya talaga na manalo ito gayung babae ang nais niyang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.
Dahil sa kanyang viral na video, natulungan siyang makalapit at mayakap ang pangulo sa campaign rally nito.
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sasa katatapos lamang na eleksyon noong Mayo 9. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tumakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Source: KAMI.com.gh