VP Leni sa kanyang mga supporters: "Alam kong pinoproseso pa ninyo ang mga pangyayari"
- Patuloy ang pagbabahagi ng mensahe ni Vice President Leni Robredo patungkol sa mga kaganapan sa eleksyon
- Walang humpay din nitong pinasasalamatan ang kanyang mga supporters nilarawan niyang masisipag at malikhain
- Nagbigay din siya ng update sa umano'y pagkonsulta sa mga eksperto sa mga lumalabas sa social media kaugnay sa katatapos lang na eleksyon
- Inihayag din niya na sa Mayo 13, magkakaroon ng pagtitipon sa Maynila na kanyang dadaluhan upang pasalamatan ang mga volunteers ng kanyang kandidatura
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Patuloy na nagpapasalamat si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga supporters sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
Nalaman ng KAMI na sa iba't ibang social media ni VP Leni ay patuloy siyang nabibigay pagpapahala sa mga sumuporta lalo na sa volunteers ng kanyang kandidatura.
Sa kanyang Twitter, inihayag niya ang pasasalamat sa masisipag at malikhaing supporters na umano'y nagpasilip sa kung anong lipunan ang ating maaring makamit.
Nabanggit din niya ang tungkol sa pagkonsulta sa eksperto tungkol sa ilang mga lumalabas sa social media kaugnay ng katatapos lamang na eleksyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Mulat ako sa mga tanong na nananatiling nakalimbitin sa situwasyon. Sinisimulan na namin ang pagkausap sa mga eksperto upang maaral nang husto ang mga ulat at alegasyon na nababasa natin sa social media. Agad naming ibabahagi ang anumang resulta ng pag-aaral."
Nabanggit din niya ang tungkol sa pagtitipon na gaganapin sa Mayo 13 upang personal na pasalamatan ang lahat ng nakiisa sa kanyang kandidatura. Gaganapin ito sa Maynila ngunit wala pang ibinigay na partikular na lugar kung saan magtitipon ang mga Kakampink.
Samantala, narito naman ang kanyang mensahe matapos ang Thanksgiving mass na ginanap ngayong Mayo 10. Ibinahagi rin ito ng Philippine Star:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Source: KAMI.com.gh