Ina ng Maguad siblings, binati ang anak sa matataas nitong marka

Ina ng Maguad siblings, binati ang anak sa matataas nitong marka

- Sa patuloy na paghahanap ng hustisya ng mga naiwang magulang ng magkapatid na Maguad, patuloy silang sinusoportahan at dinadamayan ng marami

- Bukod sa kanilang saloobin sa mailap na hustisyang patuloy nilang inaasam, naibabahagi ng mag-asawa ang masasayang bagay tungkol sa kanilang mga anak

- Sa isang post ay binahagi ng ina ng magkapatid na nakuha na nila ang marka ng panganay na anak nilang si Crizzlle Gwynn Maguad para sa 1st semester ng kasalukuyang school year

- Aminado ang kanilang ina na labis ang kanilang panghihinayang sa kanilang mga anak lalo at marami pa umanong mga pangarap ang mga ito sa kanilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang Facebook post ay binati ni Mrs. maguad ang kanyang panganay na anak na si Crizzlle Gwynn Maguad matapos nilang makuha ang grado nito para sa 1st semester ng kasalukuyang school year. Matataas halos ang mga marka nito.

Read also

Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang Chanel niyang sombrero

Ina ng Maguad siblings, binati ang anak sa matataas nitong marka
Mga magulang ng magkapatid na Maguad (Photo from Newsline Philippines)
Source: Facebook

Isa lamang sa kanyang mga asignatura ang hindi gaanong mataas. Gusto sana umano nilang mag-asawang puntahan upang ma verify ang kanyang marka ngunit naisip din nilang marahil ay may mga hindi na siya naipasa dahil sa kanyang pagpanaw.

Narito ang kabuuan ng mensahe niya:

Congrats Ate Gwynn Crizzlle Gwynn Orbe Maguad Crizzlle Gwynn got your grades for 1st Sem 2021-2022. When I saw your grade in Filipino , I n papa wanted to go to your department to look for your professor to verify.. But I realized we didn't need to because what if you failed to submit your requirements....what if you weren't able to comply them before you left....

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

You almost hit your target- a university scholar mark! Miss you so much and we're dying to hug you both...We love you very much. So proud of you.

Read also

Ion Perez, pinasilip ang bonggang birthday celebration ng kanyang Nanay Zeny

Aminado ang kanilang mga magulang na labis ang kanilang panghihinayang at pangungulila sa kanilang mga anak lalo at marami pa umanong mga pangarap ang mga ito sa kanilang buhay.

Matatandaang, nauna nang nanawagan si Mr. Maguad na tulungan silang mahanap ang ama ni Kristine dahil sa paniniwala nila ay may kinalaman ito sa nangyaring krimen noong December 10, 2021. Parehas na pinaslang ang magkapatid sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sa pagkakaroon ng social media, mas malawak na ang naabot ng mga balita. Kaya naman, sa mga balitang nakakaantig, mas maraming mga tao ang tumututok. Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate