Vico Sotto, nagpositibo sa COVID-19: "But please don't worry"
- Ibinahagi ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City na siya ay nagpositibo sa COVID-19
- Nabanggit din niya sa kanyang post ang ilang sintomas na kanyang dinaranas sa pagkakaroon ng virus
- Gayunpaman, sinabi niyang huwag mag-alala sa kanyang kalagayan at sasailalim siya sa pitong araw pa na quarantine
- Pinaalalahanan din niya ang lahat patungkol sa Omicron na mabilis ang paghawa sa bawat isa kaya kinakailangan palakasin ang resistensya at sikaping maging malusog ang pangangatawan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Mismong ang alkalde ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto ang nagkumpirmang tinamaan na rin siya ng COVID-19.
Nalaman ng KAMI mula sa mismong post ni Mayor Vico na dumaranas siya ng ilang sintomas dahil sa virus.
"Hi everyone, bad news, I've tested positive for covid-19. I have sore throat, fever, and body aches"
Gayunpaman, sinabi rin niyang wala umanong dapat na ipag-alala at patuloy pa rin siya sasailalim sa pitong araw na quarantine.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"But please don't worry! I'll continue to work remotely while in isolation for the next 7 days."
Ibinahagi rin niya ang karanasan kung saan ilang tao ang nakasalamuha niya na nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 subalit ngayon lang siya nahawa.
"Matindi talaga ang pagkalat ng Omicron-- sabi nga ng ibang eksperto, LAHAT TAYO ay mae-expose sa variant na ito"
Patuloy pa rin ang paalala ng alkalde ng Pasig ang pagpapalakas ng resistensya at hangga't maari'y huwag na munang lumabas lalo na kung mayroong sintomas ng patuloy pa ring kumakalat na COVID-19.
Si Mayor Vico Sotto ng Pasig City ay anak ng TV host actor at comedian na si Vic Sotto at TV host actress na si Connie Reyes.
Sa ilang taong pagkakahalal bilang alkalde, marami na siyang nagawang proyekto para sa kanyang nasasakupan.
Isa na rito ang umaapaw na biyaya sa mga Pasigenyo mula sa kanyang inisyatibo ngayong panahon ng pandemya.
Lalo na ang mga mag-aaral ng Pasig na nakatanggap ng mga gadget na magagamit nila para sa kanilang online class.
Kamakailan ay inanunsyo rin niya ang P500 na allowance kada buwan sa mga estudyente ng Pasig basta walang bagsak ang mga ito.
Source: KAMI.com.gh