Mayor Vico Sotto, aminadong naiilang tuwing pinasasalamatan siya ng mga Pasigeño

Mayor Vico Sotto, aminadong naiilang tuwing pinasasalamatan siya ng mga Pasigeño

- Aminado si Mayor Vico Sotto ng Pasig City na naiilang umano siya tuwing pinasasalamatan siya ng kanyang mga nasasakupan sa Lungsod

- Nilinaw niyang hindi naman niya pera ang ibinibigay o ginagastos para sa mga ito kundi pera raw talaga ng taumbayan

- Pinaalala rin niyang walang utang na loob ang kanyang mga kababayan kaninoman partikular na sa mga pulitiko

- Pinayuhan din niya ang ma iskolar ng kanilang lungsod na mag-aral nang mabuti lalo na at suportado ng lokal na pamahalaan ang kanilang edukasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayor Vico Sotto, aminadong naiilang tuwing pinasasalamatan siya ng mga Pasigeño

Vico Sotto (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Malaman ang naging tweet ni Mayor Vico Sotto patungkol sa suportang ibinibigay nila sa mga mamayan ng Pasig City.

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng pagkakataon si Mayor Vico na makausap ang mga scholar ng kanilang lungsod .

Dahil dito, pinasasalamatan muli siya sa mga panibagong tulong na natanggap ng mga taga-Pasig partikular na ng mga mag-aaral.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Subalit inamin ni Mayor Vico na naiilang umano siya tuwing siya ay pinasasalamatan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pera naman daw ito ng taumbayan at hindi niya personal na pera kaya nararapat lamang na itodo niya ito sa mga taga-Pasig.

Subalit, na-appreciate naman daw ng batang alkalde ang taos-pusong pasasalamat ng kanyang mga kababayan.

"Laging tandaan na wala kayong utang na loob kahit kanino (lalo na sa politiko)," ang bahagi ng tweet ni Mayor Vico.

Pinayuhan din niya ang mga mag-aaral ng lungsod na mag-aral ng mabuti lalo na at todo naman ang suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang edukasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mayor Vico Sotto ng Pasig City ay anak ng TV host actor at comedian na si Vic Sotto at TV host actress na si Connie Reyes.

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Sa ilang taong pagkakahalal bilang alkalde, marami na siyang nagawang proyekto para sa kanyang nasasakupan.

Isa na rito ang umaapaw na biyaya mula sa kanyang inisyatibo ngayong panahon ng pandemya.

Lalo na ang mga mag-aaral ng Pasig na nakatanggap ng mga gadget na magagamit nila para sa kanilang online class.

Kamakailan ay inanunsyo rin niya ang P500 na allowance kada buwan sa mga estudyente ng Pasig basta walang bagsak ang mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel