Lola na labis ang pag-iyak habang namamaalam sa nabagansyang mga alagang aso, viral
- Umantig sa puso ng mga netizens ang video ng isang lola na wala nang nagawa kundi ang umiyak nang mabagansya ang kanyang mga alagang aso
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
- Nakita lamang daw niya ang mga ito sa kanilang PLaza at kanya na itong pinakain at kinupkop
- Mula noon, ang mga ito na raw ang kasa-kasama niya buhay sa araw-araw
- Kaya naman wala raw siyang ibang hiling ngayon kundi ang makasama mulai ang mga alagang mahal na mahal niya
Marami ang nadurog ang puso sa viral video ni Nanay Ligaya habang namamaalam siya sa kanyang mga alagang sin Brownie at Blackie.
Nalaman ng KAMI na nabagansya ang mga ito at kinuha ng may awtoridad.
Sa video makikita ang labis na paghagulhol ni Nanay Ligaya na halos buksan ang nilagakan ng kanyang mga aso para kunin ang mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kwento ng lola, nakita niya ang mga ito sa plaza ng kanilang lugar. Kanya na itong pinakain at kinupkop.
Mula noon, sina Brownie at Blackie na ang kasa-kasama niya araw-araw maging sa kanilang pagtulog.
"Sa gabi, kayakap ko silang matulog.Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko.Wala na kasi akong ibang kasama… sila na lang," kwento ni Nanay Ligaya habang umiiyak sa panayam sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho"
Sa kasamaang palad, ang itinuturing niyang pamilya na sina Brownie at Blackie ay kinuha pa sa kanya.
"Wala naman akong magawa, umiyak na lang ako. Naaawa kasi ako sa aking mga aso. Gusto ko silang yakapin. Mahal na mahal ko kasi sila eh."
Walang ibang hiling si Nanay Ligaya kung din ang masakama at mayakap muli ang kanyang mga alaga.
Hindi pa man naipalalabas ang buong kwento nito sa KMJS, mahigit 2 million na ang views ng video. Hiling ng marami na maibalik na sina Brownie at Blackie kay Nanay Ligaya para naman talagang lumigaya rin ito sa nalalapit na Kapaskuhan.
Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.
Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.
Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.
Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.
Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.
Source: KAMI.com.gh