Bongbong Marcos, umiling nang tanungin kung dadalo sa Comelec presidential debate

Bongbong Marcos, umiling nang tanungin kung dadalo sa Comelec presidential debate

- Hindi muling dadalo si presidential aspirant Bongbong Marcos sa ikalawang Comelec presidential debate

- Sa isang pagtitipon, natanong ng isang miyembro ng media si Marcos at umiling lamang ito

- Siyam sa sampung mga presidentiables ang muling maghaharap-harap para sa nasabing debate na gaganapin sa Abril 3

- Bukod dito, ilang presidential interviews na rin ang tinanggihan ng nasabing presidential aspirant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiling at nangangahulugang hindi dadalo ng ikalawang presidential debate ng Comelec ang dating senador at presidential aspirant na si Bongbong Marcos (BBM).

Bongbong Marcos, umiling nang tanungin kung dadalo sa Comelec presidential debate
Bongbong Marcos, umiling nang tanungin kung dadalo sa Comelec presidential debate (Photo: Nestor Corrales)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa isang pagtitipon, natanong si BBM habang ito ay papalabas ng venue kung dadalo na ito sa nasabing presidential debate na gaganapin ngayong Linggo, Abril 3.

Sa video na kuha ni Nestor Corrales ng Philippine Daily Inquirer makikita ang matinding pag-iling ni Marcos at wala na itong nabitawan pang salita.

Read also

Guinness, itinangging 'world record' ang viral post ukol sa 'di umano'y BBM motorcade

Kaya naman siyam na presidentiables muli ang maghaharap kabilang na si Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquio, Senator Ping Lacson, Ka Leody De Guzman at Vice President Leni Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang una silang nagharap noong March 19 kung saan hindi na rin dumalo si Marcos at nanatiling bakante ang podium na inilaan sa kanya.

Samantala, matapos ang Debate sa Abril 3, susundan ito ng huling paghaharap ng mga presidentiabels sa Abril 24.

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.

Read also

VP Leni na naka-tsinelas sa beach-side campaign rally, viral

Naging kontrobersyal ang nasabing pagtitipon dahil na rin umano sa host nito na si Toni Gonzaga. Ipinakilala rin kasi nito ang senatorial candidate na si Rodante Marcoleta na isa umano sa nagdiing hindi na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Isang araw matapos ang proclamation rally, naglabas ng pahayag si Gonzaga ng pagbibitiw niya bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Kamakailan, nag-viral ang video ng mga supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem kung saan maririnig silang humihiyaw ng "Hindi kami bayad."

Kuha ito sa Talavera, Nueva Ecija na pinuntahan umano ng 'UniTeam' noong Marso 15.

Paulit-ulit na isinisigaw ng mga supporters na hindi sila bayad, taliwas sa kumakalat na espekulasyon na may kanya-kanya di'umanong hakot ang sinumang mga kandidato.

Sinagot naman ito ng Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

"Ang mga tagasuporta ng UniTeam ay naniniwala sa unity, hindi sila bayad."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica