Guinness, itinangging 'world record' ang viral post ukol sa 'di umano'y BBM motorcade

Guinness, itinangging 'world record' ang viral post ukol sa 'di umano'y BBM motorcade

- Pinabulaanan di umano ng Guinness World Records ang viral post ng isang Facebook page na sumusuporta kay Bongbong Marcos

- Sa comment section ng viral post, nagkomento ang Guinness World Records at sinabing walang katotohanan ang nasabing post

- Ayon sa page ng BBM supporters, naitala 'di umano ang kanilang motorcade bilang longest caravan

- Hindi rin nabanggit kung kailan naganap ang naturang caravan at hindi na rin mabura ang naturang post

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagkomento ang Guinness kung saan sinabi ng isa umanong Facebook page na sumusuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos na naitala sa world record ang isinagawa nilang 'BBM caravan.'

Guinness, itinangging 'world record' ang viral post ukol sa 'di umano'y BBM motorcade
Guinness, itinangging 'world record' ang viral post ukol sa 'di umano'y BBM motorcade (Photo: Bongbong Marcos)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ito ng BBM-Sara Uniteam Headquarters Northern Luzon, Crown Legacy Hotel Baguio noon pang Marso 26. Subalit ngayon, hindi na ito basta mabuksan at sinasabing burado na.

Read also

VP Leni na naka-tsinelas sa beach-side campaign rally, viral

Ayon sa ABS-CBN, hindi binanggit sa naturang post kung kailan isinagawa ang naturang caravan kahit mayroon itong mga larawang nagpapakitang may motorcade na naganap kung saan lulan din si Marcos Jr.

Subalit, agad itong pinabulaanan ng Guinness at sinabing "This information is incorrect."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guinness, itinangging 'world record' ang viral post ukol sa 'di umano'y BBM motorcade
Photo: (Bbm-Sara Uniteam Headquarters Northern Luzon, Crown Legacy Hotel Baguio)
Source: Facebook

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.

Naging kontrobersyal ang nasabing pagtitipon dahil na rin umano sa host nito na si Toni Gonzaga. Ipinakilala rin kasi nito ang senatorial candidate na si Rodante Marcoleta na isa umano sa nagdiing hindi na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Read also

Ex-commissioner Rowena Guanzon, binuhay ang Camanava crowd; "Hindi kami bangag!"

Isang araw matapos ang proclamation rally, naglabas ng pahayag si Gonzaga ng pagbibitiw niya bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Kamakailan, nag-viral ang video ng mga supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem kung saan maririnig silang humihiyaw ng "Hindi kami bayad."

Kuha ito sa Talavera, Nueva Ecija na pinuntahan umano ng 'UniTeam' noong Marso 15.

Paulit-ulit na isinisigaw ng mga supporters na hindi sila bayad, taliwas sa kumakalat na espekulasyon na may kanya-kanya di'umanong hakot ang sinumang mga kandidato.

Sinagot naman ito ng Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

"Ang mga tagasuporta ng UniTeam ay naniniwala sa unity, hindi sila bayad."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel