Bongbong Marcos sa kanyang magiging COVID-19 response; "No more lockdowns"
- Isa sa mga naitanong bi Boy Abunda sa panayam niya kay presidential candidate Bongbong Marcos ay ang tungkol sa mga hakbangin nito sa pagresponde sa COVID-19
- Aniya, hindi na niya pahihintulutan pa ang mag-lockdown gayung hindi na rin daw ito kaya ng mga Pilipino
- Maging siya ay alam umano ang hinaing ng marami sa ating mga kababayan patungkol sa lockdown na ang ilan ay lumalabag kumita lamang at makapaghanapbuhay
- Si Bongbong Marcos ang ikalawang presidentiables na nakapanayam ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isina-ere na ngayong Enero 25 ang kontrobersyal na panayam ni Boy Abunda kay presidential aspirant Bongbong Marcos.
Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng The 2022 Presidential One-On-One Interviews ni Boy Abunda sa top 5 presidentiables sa bansa.
At dahil patuloy na dinaranas ng mga Pilipinong balak na pamunuan ni Marcos kung siya ang papalaring maging susunod na presidente ng bansa, isa sa mga naitanong sa kanya ay ang kanyang paninindigan sa mga 'lockdown' na paulit-ulit nating dinaranas.
"No More lockdowns," ani Marcos. "Hindi na kaya ng mga Pilipino ang mag-lockdown. Hindi na nila kaya. It is too hard. They're going through too much hardships already. Marami nga sinasabi ng mga lumalabag sa protocols na 'di baleng magkasakit basta may kita ako," paliwanag niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagpaabot din siya ng mensahe sa mga Pilipino na hanggang ngayo'y hindi pa rin nagpapabakuna kontra COVID-19.
"They must understand that If we cannot force people to be vaccinated, karapatan ng tao 'yan hindi mo pwedeng pilitin na mag-vaccinate. Ngunit sana naman ay maunawaan nila na kapag sila ay hindi nagpapabakuna, ay yung lahat ng nakapaligid sa kanila pati na 'yung kanilang mahal sa buhay, kanilang pamilya, kanilang kaibigan, yung kanilang ka-barangay lahat nila nilalagay at risk yan. Dahil kung sila ay tamaan, ikakalat nila yan,"
"Ang statistics ngayon, ang mga nasa ospital na tinatamaan ng Omicron ay 85% are not vaccinated. Kaya't maliwanag na maliwanag naman ang science na sinasabi na malaki ang naitutulong ng pag-vaccinate. Sana hikayatin natin sila, sabihin natin, ipaliwanag natin."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na mapapanood sa The Boy Abunda Talk channel:
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Kamakailan ay gumawa ng ingay sa social media ang hindi pagpapaunlak ni Marcos ng panayam kay Jessica Soho dahil sa umano'y pagiging bias daw ng nasabing broadcast journalist laban sa pamilya Marcos.
Matapos ito, nag-trending ang hashtag na #MarcosDuwag na agad namang niyang binigyan ng reaksyon. Ayon kay BBM, base sa mga pinagdaanan at karanasan niya sa buhay, hindi naman daw niya masasabing isa siyang duwag.
Source: KAMI.com.gh