Bongbong Marcos, sa nag-trending na #MarcosDuwag; "Lahat naman hinaharap ko"

Bongbong Marcos, sa nag-trending na #MarcosDuwag; "Lahat naman hinaharap ko"

- Nagbigay ng reaksyon si Bongbong Marcos sa nag-trending na hashtag sa kanya kamakailan na #MarcosDuwag

- Isa umano ito sa mga naitanong sa panayam sa kanya ng programang 'Sa totoo lang' ng OnePh

- Naging usap-usapan ito matapos na hindi niya napaunlakan si Jessica Soho sa presidential interviews nito na isina-ere noong Sabado, Enero 22

- Aniya, maliwanag naman umano na hindi siya duwag base na lamang sa mga pinagdaanan niya sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang kanyang saloobin sa nag-trending na #MarcosDuwag kamakailan.

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan ang hashtag na ito matapos na hindi mapaunlakan ni Marcos ang presidential interviews ni Jessica Soho.

Bongbong Marcos, sa nag-trending na #MarcosDuwag; "Lahat naman hinaharap ko"
Photo: Bongbong Marcos
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ng programang 'Sa Totoo Lang' ng One PH, nasabi niyang hinaharap naman niya talaga ang lahat.

Read also

Ping Lacson, hanga kay PNoy sa lahat ng mga naging presidente: "Hindi siya corrupt"

Hindi rin basta umano masasabi na siya ay duwag base na lamang sa kanyang mga naranasan at pinagdaanan sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa pinagdaanan ko sa buhay ko maliwanang namang hindi ako duwag na tao," panimula niya.

"Lahat naman hinaharap ko e. Basta't 'yon na nga, ang mahalaga sa akin ay pag-usapan natin kung ano ang importante sa taumbayan. Hindi sa mga pulitiko, hindi sa mga partido, hindi sa mga kalaban, hindi sa kakampi,"

"Huwag nang pulitika ang pinag-uusapan at may eleksyon na naman tayo. Made-decide lahat 'yan pagdating ng eleksyon," pagbibigay diin pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang panayam kay Marcos mula sa One PH:

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Read also

Robredo, iboboto si Pacquiao bilang pangulo kung di kumakandidato sa parehong posisyon

Matatandaang noong Nobyembre 16 ng nakaraang taong 2021, sa kanyang social media post, pormal nang inanunsyo nina Mayor Sara Duterte at dating senator Bongbong Marcos ang kanilang tandem sa pagkandidato bilang Pangulo at bise presidente sa Eleksyon 2022.

Kamakailan ay gumawa ng ingay sa social media ang hindi pagpapaunlak ni Marcos ng panayam kay Jessica Soho dahil sa umano'y pagiging bias daw ng nasabing broadcast journalist laban sa pamilya Marcos.

Samantala, dumalo naman sa kontrobersyal na interview ang iba pa niyang mga katunggali sa pagka-pangulo na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, Senator Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica