Robredo, iboboto si Pacquiao bilang pangulo kung di kumakandidato sa parehong posisyon
- Diretsang nasabi ni Vice President Leni Robredo na si Senator Manny Pacquiao ang iboboto niya sa pagka-pangulo kung hindi sila magkatunggaloi sa parehong posisyon
- Isa ito sa mga naitanong sa kanya ni Jessica Soho sa Presidential Interviews nito ngayong Enero 22
- Ipinaliwanag din ng bise presidente kung bakit si Pacquiao ang pipiliin siya sa ilan pang mga kumakandidato
- Isa lamang si Robredo sa apat na nagpaunlak ng panayam kay Soho habang si dating senator Bongbong Marcos naman ay tumanggi umano sa nasabing kontrobersyal na panayam
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Senator Manny Pacquiao ang iboboto ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo kung sakaling hindi sila magkatunggali sa parehong posisyon.
Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga maiinit na tanong sa kanya ni Jessica Soho sa presidential interviews niya ngayong Enero 22.
Sa tanong na "Kung hindi ka kandidato, sino ang iboboto mo sa mga tumatakbong presidente?", si Pacquiao ang kanyang agad na naisagot.
"Kilala ko siya at alam kong napakasinsero niyang tao," ang kanya namang napakaiksing paliwanag.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si VP Leni ang isa sa apat na nagpaunlak sa panayam ni Jessica Soho sa limang presidentiables na kanyang naimbita.
Kabilang sa mga ito sina Manila City Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, Senator Manny Pacquiao at si dating senador Bongbong Marcos.
Sila ang limang kumakandidato sa pagka-pangulo na nangunguna sa mga isinasagawang survey. Subalit hindi nagpaunlak si Marcos sa naturang panayam.
Narito ang kabuuan ng kontrobersyal na interview na pinakaaabangan ng marami:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.
Oktubre 7 nang inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Ilan sa mga makakatunggali niya at naghain na rin ng certificate of candidacy bilang susunod na mamumuno sa Pilipinas ay ang apat pang naimbita ni Jessica Soho sa 'Presidential Interviews' ngayong Enero 22.
Kamakailan, nagbigay ng suporta ang anak ni VP Leni na si Jillian Robredo sa pagtakbo niya bilang pangulo sa darating na 2022 Elections. Sinabi nitong sobrang proud siya sa kanyang ina at ngayon, isa na rin siya sa mga boboto para rito.
Source: KAMI.com.gh