Bongbong Marcos, 'di nagpaunlak sa 'presidential interviews' ni Jessica Soho

Bongbong Marcos, 'di nagpaunlak sa 'presidential interviews' ni Jessica Soho

- Hindi nagpaunlak si Bongbong Marcos sa presidential interviews ni Jessica Soho

- Lima silang inimbita ng batikang broadcast journalist at apat sa kanila ang dumalo sa interview

- Sinagot nina Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo maging ang mga maiinit na isyung naipukol sa kanila

- Ipinasilip sa 24 Oras ang ilan sa mga kaganapan sa pinakaaabangang interview

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagpaunlak ng panayam si dating senator Bongbong Marcos (BBM) sa isinagawang presidential interviews ni Jessica Soho.

Nalaman ng KAMI na lima silang presidential aspirant na naimbita ng batikang broadcast journalist at tanging si BBM lamang ang hindi umano dumalo.

Bongbong Marcos, 'di nagpaunlak sa presidential interview ni Jessica Soho
Photo: Bongbong Marcos
Source: Facebook

Samantala, mapapanood naman ang apat pa sa top 5 na presidentiables na sina Vice President Leni Robredo, Senator Panfilo Lacson, Senator Manny Pacquiao at si Manila Mayor Isko Moreno.

Read also

Robredo, iboboto si Pacquiao bilang pangulo kung di kumakandidato sa parehong posisyon

Silang apat ang naupo para sagutin maging ang mga maiinit na isyu na naipukol sa kanila. Maririnig din ang kani-kanilang mga plataporma at pananaw sa mga mahahalagang kaganapan sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinasilip ng 24 Oras ang ilan sa mga mahahalagang kaganapan sa naturang interview na pinakaaabangan ng marami.

Mapapanood ang kabuuan ng interview na isasa-ere sa Enero 22 sa ganap na alas sais ng gabi.

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Matatandaang noong Nobyembre 16 ng nakaraang taong 2021, sa kanyang social media post, pormal nang inanunsyo nina Mayor Sara Duterte at dating senator Bongbong Marcos ang kanilang tandem sa pagkandidato bilang Pangulo at bise presidente sa Eleksyon 2022.

Read also

Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"

Sa kabila ng pangyayaring ito, nilinaw naman niyang wala umano silang siniraan o dinungisan ang pangalan sa desisyon nilang ito.

Noong Nobyembre 11, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.

Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa kasalukuyang alkalde ng Davao City.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica