VP Leni Robredo, pinuri si Mayor Vico Sotto: "Sobrang tutok, siya mismo involved"
- Aminadong humahanga si Vice President Leni Robredo sa klase ng pamumuno ni Mayor Vico Sotto
- Nilarawan niya ito bilang 'tutok' at 'involved' sa lahat ng mga proyekto nila sa lungsod ng Pasig
- Nilinaw naman niyang marami pang ibang mga local officials na mahuhusay ngunit hindi lang napapansin
- Isa ring halimbawa na ibinigay niya ang ang alkade sa Iloilo City
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Diretsong sinagot ni Vice President Leni Robredo ang tanong sa kanya ni Ogie Diaz kung sino sa mga politiko ang pinakahinahangaan niya.
Nalaman ng KAMI na si Vico Sotto na alkalde ng Lungsod ng Pasig ang agad na isinagot ng bise presidente.
Nilarawan niya itong 'tutok', 'proactive' at 'involved' sa mga proyekto nito sa kanilang lungsod.
"Si Vico. Kasi katrabaho namin siya, sobrang una tutok. Mag-isip sobrang proactive," paliwanag ni VP Leni.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sinabi rin niyang marami pang ibang mga local officials na mahuhusay subalit hindi lamang napapansin o nabibigyang pagkilala ang kanilang ginagawa at isang halimbawa na ibinigya niya ay ang namumuno sa Iloilo City.
"Naisip ko lang parang on top of my head, siya. Kasi we have projects with Pasig. Meron kami doong community market, meron kaming community learning hub, meron kaming training for teachers."
"Sobrang daling kausap, sobrang maayos yung proseso, walang masyadong arte. Tapos siya talaga mismo."
Narito ang kabuuan ng part 2 ng throwback na panayam ni Ogie Diaz na mula sa kanyang YouTube channel:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.
Oktubre 7 nang inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Ilan sa mga makakatunggali niya at naghain na rin ng certificate of candidacy bilang susunod na mamumuno sa Pilipinas ay sina Senator Bato Dela Rosa, Manny Pacquiao at Isko Moreno.
Kamakailan, nagbigay ng suporta ang anak ni VP Leni na si Jillian Robredo sa pagtakbo niya bilang pangulo sa darating na 2022 Elections. Sinabi nitong sobrang proud siya sa kanyang ina at ngayon, isa na rin siya sa mga boboto para rito.
Source: KAMI.com.gh