VP Leni, sinubukang pigilan noon ng mga anak: "Grabe 'yung luhang iginugol nila"

VP Leni, sinubukang pigilan noon ng mga anak: "Grabe 'yung luhang iginugol nila"

- Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo ang naging reaksyon ng kanyang mga anak nang una siyang magdesisyon na pasukin ang pulitika

- Grabe raw ang iyak ng mga ito at halos hindi siya payagan sa nais niyang tahakin

- Dumating pa sa punto na nagpa-counselling pa sila sa pari upang mai-proseso lamang ng kanyang mga anak ang pagtakbo niya noon bilang congresswoman pa lamang

- Subalit nang buo na ang kanyang deisyon sa pagkandidato, all out naman ang suporta ng mga ito sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento ni Vice President Leni Robredo ang naging reaksyon ng kanyang mga anak mula nang siya'y magdesisyon na pasukin ang mundo ng pulitika.

Nalaman ng KAMI na noon pa lamang tatakbo siya sa kongreso, halos pigilan talaga siya ng mga anak.

VP Leni Robredo, ibinahagi ang naging reaksyon ng mga anak sa pagpasok niya sa pulitika
Ang mga anak ni VP Leni na sina Tricia, Jill at Aika (@lenirobredo)
Source: Instagram
"Sa lahat ng takbo ko, against sila doon."

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

"'Yung pagtakbo ko sa congress, grabe 'yung luhang iginugol nila"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ang kagandahan naman umano sa kanyang mga anak, nang tuluyan na siyang kumandidato, all out naman daw ang suporta ng mga ito sa kanya. Maging noong nagdesisyon na siya na tumakbo bilang Bise Presidente ng bansa.

"Nung magbi-VP ako against the wishes of everyone in the family, nung kinausap ko sila, grabe 'yung resistance nila na humingi pa kami ng counselling sa pari para maproseso yung mga bata," pagbabalik tanaw ni VP Leni.

Gayunpaman, todo-todo pa rin ang suporta ng mga ito na matatandaang halos laging present sa mga kampanyahan ng kanilang ina.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Vice President Leni Robredo na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Read also

Guro, bumalik pa rin sa pagtuturo sa kabila ng pinagdaanan sa pagtanggal ng isang mata

Oktubre 7 nang inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Ilan sa mga makakatunggali niya at naghain na rin ng certificate of candidacy bilang susunod na mamumuno sa Pilipinas ay sina Senator Bato Dela Rosa, Manny Pacquiao at Isko Moreno.

Kamakailan, nagbigay ng suporta ang anak ni VP Leni na si Jillian Robredo sa pagtakbo niya bilang pangulo sa darating na 2022 Elections. Sinabi nitong sobrang proud siya sa kanyang ina at ngayon, isa na rin siya sa mga boboto para rito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica