Nanay-nanayan ni Toni Fowler na tumatakbong konsehal sa Maynila, pina-Tulfo

Nanay-nanayan ni Toni Fowler na tumatakbong konsehal sa Maynila, pina-Tulfo

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang 54 na katao na nagrereklamo sa dating nakasama ni Toni Fowler sa kanyang vlog na tinawag niyang "Inay"

- Inusisa muna ni Raffy kung totoo at lehitimo ang reklamo dahil maaari umanong paninira lamang ito lalo at tumatakbong konsehal sa Maynila ang nirereklamo

- Ayon sa isa sa mga complainants, umabot sa 700 ang naloko umano sa investment business ng nirereklamo nilang nagngangalang Mary Ann Faustino Victori

- Maging ang kapatid umano ni Toni ay nakapag-invest ng P200,000 ngunit sa kabutihang palad ay nabawi niya ang kanyang pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minabuti ng 54 na complainants na humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo sa programa nitong Raffy Tulfo in Action kaugnay sa kanilang reklamo sa isang nagngangalang Mary Ann Faustino Victori. Nakasama ito ni Toni Fowler sa ilang mga vlogs niya at tinawag niya noon na "Inay."

Read also

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

Nanay-nanayan ni Toni Fowler na tumatakbong konsehal sa Maynila, pina-Tulfo
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Gayunpaman, sa kanyang pahayag, sinabi ni Toni na maging ang kanyang kapatid ay nag-invest din ng P200,000. Nabawi umano ito ng kapatid niya hindi kagaya ng mga nagrereklamo.

Ayon pa sa isa sa mga complainants, umabot sa 700 ang mga miyembro na aniya ay na-scam. Isa din umano sa naloko nito ay ang kaibigan ni Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman nakausap sa naturang programa si Victori. Gayunpaman, sakanyang Facebook story, nilinaw niyang hindi siya nagtatago at siya umano ay nasa safe place lamang. Aniya, hinihintay niya lamang ang reply ni Tulfo kaya hindi umano siya kaagad makapag-reply.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel