FL Liza Marcos, nagpaliwanag tungkol sa viral video nila ni Chiz Escudero

FL Liza Marcos, nagpaliwanag tungkol sa viral video nila ni Chiz Escudero

- Viral ang video ni First Lady Liza Araneta Marcos na uminom mula sa baso ni Senate President Chiz Escudero sa Malacañang noong Araw ng Kalayaan

- Ipinaliwanag ng First Lady na ito'y biruan matapos mapansin ni Escudero na kailangan niya ng inumin matapos batiin ang mga ambassador

- Ayon kay Escudero, ito'y pagpapakita ng pagiging "gentleman" at pagtugon sa isang babae

- Nagdulot ng iba't ibang reaksyon sa social media, mula sa kritikong nagsasabing hindi kaaya-aya ang kilos ng First Lady

Ipinaliwanag ni First Lady Liza Araneta Marcos ang konteksto sa likod ng viral na insidenteng nakita siyang kumukuha ng wine glass mula kay Senate President Chiz Escudero at uminom nito sa isang kamakailang okasyon sa Malacañang.

FL Liza Marcos, nagpaliwanag tungkol sa viral video nila ni Chiz Escudero
FL Liza Marcos, nagpaliwanag tungkol sa viral video nila ni Chiz Escudero (Liza marcos/Facebook)
Source: Youtube

Inilarawan ni Araneta-Marcos ang insidente na naganap noong Araw ng Kalayaan bilang isang masayang biruan sa pagitan nila ni Escudero, na ayon sa kanya ay napansin na kailangan niya ng inumin matapos batiin ang dose-dosenang mga ambassador sa taunang pagtitipon para sa mga diplomat.

Read also

Rendon Labador, handa tangapin ang persona non-grata para protektahan si Rosmar Tan

Sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes, inilarawan ng asawa ng pangulo ang bawat salita sa pagitan nila ni Senate President bago at pagkatapos niyang uminom mula sa baso ni Escudero at ibalik ito sa kanya.

Bago pa ang panayam ng First Lady, ipinaliwanag ni Escudero sa mga mamamahayag ang sitwasyon bilang pagpapakita ng pagiging "gentleman."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Para sa First Lady, ganito nangyari ang insidente:

"Nang makita ako ni Chiz, sinabi niya, 'Wow — bilib din ako sa iyo. May energy ka pa after standing and smiling for over an hour. I'm sure you could use a drink,'" ani Araneta-Marcos.

"I laughed and said, 'You bet.' And so I mischievously got his glass of champagne, took a sip and told him, 'Eww hindi naman malamig ang champagne.' After that, I gave his champagne glass back to him and we both had a good laugh over that," dagdag pa niya.

Read also

Toni Gonzaga, agad na naluha sa kwento ng ama ng triplets na namatayan ng misis

Sinabi ng First Lady, "I think the entire exchange took all of 10 seconds."

Si Francis "Chiz" Escudero ay isang kilalang politiko sa Pilipinas. Siya ay kasalukuyang Senate President ng Senado ng Pilipinas, na isa sa pinakamataas na posisyon sa lehislatura ng bansa.

Kamakailan ay binahagi ni Heart Evangelista ang isang paglilinaw kaugnay sa Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI). Matatandaang siya ang hinirang na president ng naturang foundation. Aniya, 1987 pa itinatag ang foundation na ito at ito ay non-stock at non-profit.

Pinuri ng mga netizens ang pagiging supportive at caring na stepmom si Heart sa paghahanda ng kanyang stepdaughter na si Chesi para sa kanyang unang prom. Ipinakita ni Heart sa Instagram Reel ang kanyang pagiging hands-on sa pag-aayos ng anak nila ni Sen. Chiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate