Heart Evangelista, inulan ng papuri sa pagiging cool stepmom sa anak ni Chiz

Heart Evangelista, inulan ng papuri sa pagiging cool stepmom sa anak ni Chiz

- Pinuri ng mga netizens ang pagiging supportive at caring na stepmom si Heart Evangelista sa paghahanda ng kanyang stepdaughter na si Chesi para sa kanyang unang prom

- Ipinakita ni Heart sa Instagram Reel ang kanyang pagiging hands-on sa pag-aayos ng anak nila ni Sen. Chiz

- Sa kabila ng lungkot na dulot ng pagkamatay ng dapat sana'y kanilang ikaapat na anak na si Francisko, ipinakita pa rin ni Heart ang pagmamahal sa kanyang pamilya at pagiging mapagmahal na ina

- Marami ang bumilib kay Heart at napa-sana all kay Chesi dahil mismong si Heart na isang fashion icon ang nag-ayos sa kanya

Kinabiliban ng mga netizens ang pagiging suportado at caring stepmom ng Kapuso star na si Heart Evangelista sa kanyang stepdaughter na si Chesi, lalo na sa pag-aayos nito para sa unang prom.

Heart Evangelista, inulan ng papuri sa pagiging cool stepmom sa anak ni Chiz
Heart Evangelista, inulan ng papuri sa pagiging cool stepmom sa anak ni Chiz
Source: Instagram

Ibinahagi ni Heart sa Instagram Reel ang paghahanda ni Chesi para sa kanyang kauna-unahang prom, kung saan siya mismo ang nagtulong sa hair at makeup ng anak nila ni Sen. Chiz Escudero.

Read also

Video na kuha sa kasal nina Carlo at Charlie, ibinahagi ni Alexa Ilacad

Tampok din sa video ang ka-date ni Chesi, ang Sparkle actor na si Bryce Eusebio, na nagbigay pa ng bulaklak sa kanya.

Sa kabila ng kahalagahan ng okasyon, ipinakita rin ni Heart ang tamang suporta sa anak, kahit na noon pa ay inilalahad na niya ang magandang relasyon sa mga anak ng asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Ogie Alcasid, naghayag ng suporta kay Vice Ganda: "This person takes it all- for the team"

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel