Video na kuha sa kasal nina Carlo at Charlie, ibinahagi ni Alexa Ilacad

Video na kuha sa kasal nina Carlo at Charlie, ibinahagi ni Alexa Ilacad

- Nagbahagi si Alexa Ilacad ng maiksing video na kuha sa kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon

- Naging maugong ang balitang ikakasal nga ang dalawa subalit walang nagkumpirma nito

- Hanggang sa gumulantang sa publiko ang kasalan na natuloy ngayong Hunyo 9

- Matatandaang isang gabi bago ang kanilang pag-iisang dibdib ay tinanggap pa ni Charlie ang Best Actress award niya sa Gawad Urian para sa pelikula nila ni Carlo na 'Third World Romance'

Naibahagi ni Alexa Ilacad ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng kasalang Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Video na kuha sa kasal nina Carlo at Charlie, ibinahagi ni Alexa Ilacad
Charlie Dizon and Carlo Aquino (Myio Okamoto Photography Facebook)
Source: Instagram

Si Alexa ay isa sa mga abay ni Charlie na nakasaksi ng pag-iisang dibdib nito kay Carlo Aquino.

Sa kanyang Instagram Story, naibahagi niya ang 'you may kiss the bride' moment ng dalawa ay may caption itong "Congratulations, mga mahal ko."

Maliban kay Alexa, ilan sa mga artistang parte rin umano ng entourage sina Belle Mariano, Ellise Joson at Sue Ramirez.

Read also

Kim Chiu, sinagot ang hirit ni Darren Espanto: "Wag kang gamol bestie!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang video na ibinahagi rin ng ABS-CBN News:

Si April Rose Dizon Matienzo na mas kilala bilang si Charlie Dizon ay isang Filipina model and actress. Nakilala siya sa mga pelikulang "Fan Girl", "Four Sisters and a Wedding," at "Third World Romance" kung saan kasama niya ang boyfriend na si Carlo Aquino.

Matatandaang sa media conference ng kanilang pelikulang ito, nabanggit na ni Carlo ang umano'y mga plano nila ni Charlie na magkasama tulad ng pagkakaroon umano ng pamilya. Paliwanag ni Carlo, isa naman talaga ito sa goal sa pagpasok sa relasyon, ang pagkakaroon ng makakasama sa buhay.

Minsan nang naging emosyonal sina Carlo at Charlie sa programang Magandang Buhay nang mapag-usapan nila ang kanilang relasyon. Paliwanag ng aktor, ramdam niyang mahal siya talaga ni Charlie at hindi pa raw umano siya na-in love nang tulad ng nararamdaman niya sa aktres. Samantala, nilarawan naman ni Charlie na 'biggest surprise' ang relasyon nila na ito ni Carlo na aminado siyang pinipigilan pa niya noon.

Read also

Charlie Dizon, best actress ng Urian para sa pelikulang Third World Romance

Samantala, isang araw bago ang kanyang pag-iisang dibdib kay Carlo, nakamit ni Charlie ang best actress award mula sa 47th Gawad Urian. Ito ay para sa pelikulang pinagsamahan nila ng kanya na ngayong mister na si Carlo, ang 'Third World Romance.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel