Kim Chiu, sinagot ang hirit ni Darren Espanto: "Wag kang gamol bestie!”

Kim Chiu, sinagot ang hirit ni Darren Espanto: "Wag kang gamol bestie!”

- Nagkaroon ng maiksing palitan ng banat sa social media nina Kim Chiu at Darren Espanto matapos ang kanilang mga komento sa Instagram

- Si Darren ay humirit ng biro sa isang post ni Kim kung saan ipinakita niya ang kanyang OOTD patungong Dubai

- Agad namang sinagot ni Kim ang komento ni Darren, ipinapaliwanag na nasa Manila pa siya nang kuhanan ang litrato

- Ang maigsing palitan na ito ay nagdulot ng saya sa kanilang mga tagasubaybay at nagpakita ng kanilang masayang samahan bilang magkaibigan

Nagkaroon ng maigsing banat sa social media ang mag-bestie na sina Kim Chiu at Darren Espanto matapos ang kanilang nakakatuwang palitan sa Instagram.

Kim Chiu, sinagot ang hirit ni Darren Espanto: "Wag kang gamol bestie!”
Kim Chiu, sinagot ang hirit ni Darren Espanto: "Wag kang gamol bestie!”
Source: Instagram

Nagsimula ang usapan nang mag-comment si Darren sa isang post ni Kim kung saan ipinakita nito ang kanyang OOTD patungo sa Dubai. Sa kanyang komento, binanggit ni Darren ang pagkawala ni Kim sa Dubai, ngunit mabilis itong sinagot ng aktres.

Read also

Charlie Dizon, best actress ng Urian para sa pelikulang Third World Romance

“Nasa Manila pa kasi ako niyan sa PICTURE BESTIE!!! Wag kang gamol bestie!” tugon ni Kim kay Darren.

Ang maigsing palitan na ito ay nagbigay saya sa kanilang mga tagasubaybay at nagpakita ng kanilang masayang samahan bilang magkaibigan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Maloi at Colet ng BINI, inulan ng pagbati sa pagtatapos nila ng Senior HS

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel