Piolo Pascual, usap-usapan matapos ma-post ang larawan kasama ang isang Filipino-Chinese model

Piolo Pascual, usap-usapan matapos ma-post ang larawan kasama ang isang Filipino-Chinese model

- Usap-usapan ngayon si Piolo Pascual matapos ma-post ang larawan niya kasama ang isang modelo

- Mismong ang Filipino-Chinese model ang nagbahagi ng larawan sa kanyang Instagram

- Pumukaw ng atensyon ang naturang larawan dahil tila sweet umano si Piolo sa modelo

- Matatandaang makailang beses nabanggit ni Piolo sa mga panayam sa kanya na ilang taon na rin siyang single at tutok siya sa kanyang career

Muling naging sentro ng atensyon si Piolo Pascual matapos kumalat online ang litrato niya kasama ang isang Filipino-Chinese model na si Kim Rivera, na siyang nagpakilig at nagpatanong sa mga netizens ukol sa estado ng kanyang puso sa ngayon.

Piolo P
Piolo Pascual, usap-usapan matapos ma-post ang larawan kasama ang isang Filipino-Chinese model (@_kim.riveraa)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

In-upload mismo ni Rivera ang naturang larawan sa kanyang Instagram noong Abril 9, bilang bahagi ng carousel post mula sa kanyang bakasyon sa Baler.In-upload mismo ni Rivera ang naturang larawan sa kanyang Instagram noong Abril 9, bilang bahagi ng carousel post mula sa kanyang bakasyon sa Baler.

Read also

“Is it over between Marco Gumabao and Cristine Reyes?” Netizens, nabulabog sa pag-unfollow nila sa isa’t isa!

Sa isang larawan, makikitang nakayakap si Pascual kay Rivera. Halos dumampi ang mga labi ng aktor sa kaliwang sentido ng modelo habang tila nagpapahinga sila sa isang yate.

“Reliving these moments,” ang simpleng caption ni Rivera, na hindi nag-tag ng sinuman sa kanyang mga kasama.

Sa comment section ng naturang post, tinanong si Rivera kung si Pascual nga ba ang kasama niya.

Sumagot naman ang modelo na hindi ito si Piolo kundi isang lalaki na kahawig lamang ng "Mallari" actor.

Gayunpaman, kapansin-pansin sa larawan ang tattoo sa kanang braso ng lalaki, na tila tugma sa tattoo ni Pascual—na makikita rin sa isa sa kanyang mga recent na running videos.

Matatandaang noong Enero ng taong ito, sinabi ni Pascual sa isang panayam na siya ay single at sanay na sa ganoong estado sa loob ng 13 taon. Aniya, mas pinili niyang ituon ang atensyon sa kanyang karera kaysa sa buhay pag-ibig.

Read also

Mikee Quintos, emosyonal matapos ang matagumpay na thesis defense

Ayon pa sa aktor, hindi rin umano siya naghahanap ngayon ng isang seryosong commitment.

Matatandaan ding na-link si Pascual noon sa aktres na si Shaina Magdayao ilang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pelikula at telebisyon, pinasok na rin ni Piolo ang teatro na siyang naging panibagong patunay ng kanyang husay sa pag-arte.

Narito ang kabuuan ng post: rito ang kabuuan ng post:

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga. Sa natapos na MMFF 2023, kabi-kabilang Best Actor award ang kanyang nakuha kabilang na rito ang sa Manila International Film Festival para sa pelikula niyang Mallari. Gumanap din siya bilang si Crisostomo Ibarra sa stage play na "Ibarra" noong 2023.

Read also

Lotlot de Leon, binahaging 3 beses na nag-flatline si Nora Aunor bago ito tuluyang pumanaw

Samantala, matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating noon sina Shaina at Piolo Pascual. Subalit sa panayam ni Ogie Diaz kay Piolo noong Hunyo ng kasalukuyang taon, nabanggit nitong ilang taon na siyang siyang single at hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica