Priscilla Meirelles, pinuri si John Estrada bilang ama ngunit hindi na makikipagbalikan

Priscilla Meirelles, pinuri si John Estrada bilang ama ngunit hindi na makikipagbalikan

- Diretsahang sinabi ni Priscilla Meirelles na hindi na sila magkakabalikan ni John Estrada

- Lumipat na raw sila ng tirahan ng anak nilang si Anechka, bilang patunay na tapos na ang kanilang relasyon

- Sa kabila ng hiwalayan, pinuri pa rin ni Priscilla ang pagiging mabuting ama ni John sa kanilang anak

- Nanatili silang magkaayos para sa kapakanan ng anak, lalo na sa mga mahahalagang okasyon gaya ng 14th birthday ni Anechka

Matapang na inamin ng dating beauty queen na si Priscilla Meirelles na wala na siyang balak makipagbalikan kay aktor John Estrada. Sa panayam ni Karen Davila, mariin niyang sinabi na kung totoong umaasa pa siyang magkakabalikan sila, hindi niya iiwan ang bahay na tinirhan nila noon.

Priscilla Meirelles, pinuri si John Estrada bilang ama ngunit hindi na makikipagbalikan
Priscilla Meirelles, pinuri si John Estrada bilang ama ngunit hindi na makikipagbalikan (📷Karen Davila/YouTube)
Source: Youtube

Lumipat na umano sila ng anak niyang si Anechka sa bagong lugar, at ito raw ay isang malinaw na hakbang na tuluyan na niyang isinara ang kabanata ng kanilang pagsasama.

Read also

Sue Ramirez, personal nang nakilala ar nakasama ang mga magulang ni Dominic Roque

Gayunpaman, pinuri pa rin ni Priscilla si John bilang ama. Kuwento niya, sa 14th birthday celebration ni Anechka kamakailan, siya mismo ang nag-imbita kay John at sa mga kaibigan nito. Para kay Priscilla, ang kanilang anak ay hindi dapat madamay sa anumang sigalot nila bilang mag-asawa noon.

Aniya, mahalaga pa rin na maging present si John sa mga mahahalagang sandali ng kanilang anak, at ito ang dahilan kung bakit nananatiling maayos ang kanilang relasyon bilang magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng lahat, marami ang humanga kay Priscilla sa kanyang pagiging bukas at mahinahon sa pagsasaayos ng co-parenting setup nila ni John, isang patunay ng kanyang paglalagay ng kapakanan ng anak sa itaas ng personal na emosyon.

Nang mahingan ng mensahe para kay John, sinabi niyang wala siyang 'regrets.' Naging masaya naman ang buhay nila sa kabila ng kanilang pinagdaanan. Naniniwala siya sa sinasabi ni John sa kanya na mahal siya nito pero hindi daw siya minamahal ng nararapat para sa kanya.

Read also

Video ng paghahatid ni Marjorie Barretto kay Claudia sa altar, viral

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Brazilian model, host, aktres, environmentalist, at beauty queen. Ipinanganak siya noong Setyembre 5, 1983, at nakilala sa buong mundo nang koronahan bilang Miss Earth noong 2004, kung saan ginanap ang pageant sa Pilipinas. Bago nito, nakuha rin niya ang titulong Miss Globe International noong 2003 sa Turkey. Bukod sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng pageantry, kilala rin si Priscilla sa kanyang mga adbokasiya para sa kalikasan at sa mga batang nangangailangan ng espesyal na proteksyon. Sa kasalukuyan, siya ay isang aktres, nag-aaral ng medisina, at isang negosyante. Siya rin ang maybahay ng aktor na si John Estrada, at mayroon silang isang anak na babae na nagngangalang Anechka Estrada. ​

Ibinahagi ni Priscilla sa kanyang Instagram ang isang larawan kung saan makikita ang kanyang glam-up look. Suot niya ang isang itim na formal dress na bumagay sa kanyang makeup at hairstyle. Ang post na ito ay umani ng papuri mula sa mga netizens na humanga sa kanyang kagandahan.

Read also

Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet

Sa isang Facebook post, tinanong si Priscilla ng isang netizen kung mananatili na siya sa Brazil o kung nagbabakasyon lamang siya roon. Agad niyang sinagot na siya ay naroon lamang para sa isang bakasyon. Ang sagot na ito ay nagbigay-linaw sa mga espekulasyon tungkol sa kanyang pananatili sa Brazil.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: