Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, sabay na nagpa-tattoo
- Magkasamang nagpatattoo sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa isang tattoo & piercing shop kasama ang kanilang mga anak na sina Koa at Lilo
- Ang parehong shop ay pinuntahan din noon nina Philmar at ng Swedish photographer na si Pernilla Sjöö para sa kanilang tattoo session
- Naging usap-usapan ang tampuhan nina Andi at Philmar matapos mapansin ng netizens na hindi na sila naka-follow sa isa’t isa sa Instagram
- Nagbahagi si Andi ng cryptic posts sa social media na nagdulot ng espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Binahagi ng isang tattoo & piercing shop ang isang video kung saan makikita sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na magkasamang nagpapalagay ng tattoo habang kasama ang kanilang mga anak na sina Koa at Lilo. Ang naturang shop ay siya ring pinagpatatuhan ni Philmar kasama ang kanyang kaibigan, ang Swedish photographer na si Pernilla Sjöö.

Source: Instagram
Matatandaang naging sentro ng usap-usapan ang paglabas ng saloobin ni Andi Eigenmann sa social media nang malaman niyang magkasama sina Philmar at Pernilla habang nagpapalagay ng tattoo. Sa mga cryptic posts ni Andi, tila ipinapahayag niya ang kanyang sama ng loob sa nangyari, lalo na’t kasabay ito ng kanilang hindi pagkakaunawaan bilang mag-partner.
Nag-ugat ang isyu nang mapansin ng netizens na hindi na naka-follow sa isa't isa sina Andi at Philmar sa Instagram. Agad itong naging mainit na paksa sa social media, lalo na nang sunod-sunod na magbahagi si Andi ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram Stories. Isa sa kanyang naging post ay, "I just found out it's the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep's clothing!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod dito, ibinahagi rin niya ang isang tanong na ipinadala niya sa ChatGPT tungkol sa isang isyu sa pagitan ng isang "life partner" at isang kaibigan, na ayon sa kanya ay nagbigay ng validation sa kanyang nararamdaman. Isa pang post ang nagbigay ng mas maraming espekulasyon sa publiko: "Or but also maybe she could be thinking 'You said you were broken up and he said you went crazy for having feelings, so I'd be on his side 100% cus I don’t give a f** about you or your little children! Cus you crazy and I'm most definitely not doing this because I'm actually toxic af!' But maybe that's just me... Since I'm the crazy one!"
Si Philmar Alipayo ay isang professional surfer mula sa Siargao, Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa pinakamahusay na surfers sa bansa at nanalo na ng iba’t ibang surfing competitions, kabilang ang pagiging kampeon sa Siargao National Surfing Cup noong 2017.
Bukod sa kanyang karera sa surfing, mas nakilala si Philmar sa mainstream media bilang fiancé ng aktres na si Andi Eigenmann. Magkasama silang naninirahan sa Siargao kasama ang kanilang mga anak at madalas nilang ibinabahagi ang kanilang island life sa social media.
Naging mainit na usapin sa social media tungkol sa isyu sa pagitan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos mapansin ng netizens ang kanilang hindi na pagkaka-follow sa isa’t isa sa Instagram. Sa kabila ng mga haka-haka, kinumpirma ni Philmar kamakailan na nagkaayos na sila ni Andi matapos ang napabalitang hindi pagkakaunawaan. Nagbigay ng pabirong reaksyon si RR Enriquez sa pag-aayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos ang lumabas na espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.
Nagbahagi si Philmar ng video kung saan siya ay sumasayaw sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya. Hindi pa siya nagbibigay ng tugon sa mga pahayag ni Derek Ramsay tungkol sa isyu na may kaugnayan sa kanya at kay Andi Eigenmann. Ayon kay Derek, dapat linawin ni Philmar ang sitwasyon lalo na tungkol sa babaeng naiuugnay sa kanya na si Pernilla. Sinabi rin ni Derek na dapat panagutan ni Philmar ang kanyang ginawa at ipakita ang respeto kay Pernilla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh