Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!"

Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!"

- Nagbahagi si Iya Villania ng throwback video kung saan todo hataw siya sa pagsasayaw habang ipinapakita ang kanyang baby bump

- Nagkomento si Drew Arellano sa post ni Iya at pabirong tinanong kung buntis na naman ito, na nagbigay ng aliw sa mga netizens

- Maraming fans ang natuwa sa kakaibang pregnancy dance video ni Iya kung saan dinrowingan niya ng mukha ang kanyang tiyan

- Ipinanganak na ni Iya ang kanilang ikalimang anak matapos ang kanyang viral dance performance na nagbigay ng good vibes sa social media

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naghatid ng good vibes sa social media ang TV host at celebrity mom na si Iya Villania matapos niyang ibahagi ang isang throwback video noong buntis pa siya sa kanilang ikalimang anak ni Drew Arellano.

Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!"
Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!" PHOTO: @iyavillania/Instagram)
Source: Instagram

Sa naturang video, todo hataw si Iya sa pagsasayaw habang ipinapakita ang kanyang baby bump na may nakadrowing pang mukha, kaya’t para bang sumasayaw rin ang kanyang tiyan.

Read also

Kris Aquino, niligtas ni Bimby matapos mawalan ng balanse: "Daig nya ang action stars"

Samantala, sa isa pa niyang post na kuha noong buntis pa siya, isa sa pinakaunang nag-react ay ang kanyang asawa, na pabirong nagkomento ng, "Buntis ka na naman?!?! HAHAHA! Naol mabilis magbuntis 😂". Sinagot naman ito ni Iya ng "Abaaa! More pa ba? 😂", na lalong nagpakilig at nagpasaya sa kanilang mga fans.

Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!"
Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!" (PHOTO:@iyavillania/Instagram)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa nakakaaliw na video, maraming netizens ang napa-react at napatawa. May ilan pang nagbiro na tila hindi napapagod si Iya sa pagiging ina at tila kayang-kaya pa niyang magdagdag ng baby sa kanilang pamilya.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Iya ang isang video kung saan makikita siyang todo hataw sa pagsasayaw habang ipinapakita ang kanyang baby bump. Ang pinakaaliw na bahagi ng video? Dinrowingan niya ng mukha ang kanyang tiyan, kaya mistulang ang mismong baby bump niya mismo ang sumasayaw!

Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Iya, “Better late than never because we will make sure there won’t be a next time to do this. Glad I remembered to do this before delivering and no, this did not induce labor.”

Read also

Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga"

Dahil sa kanyang kakulitan, hindi lang ang kanyang pamilya ang naaliw kundi pati na rin ang kanyang mga tagahanga na agad nagbigay ng reaksyon:

“Ako ang kinakabahan kasi baka madulas gawa ng medyas! Jusko, Iyaa!!! Btw, congratulations po!!”

“Hahahahaha sira ka talaga! Pati tiyan mo may participation!”

“Haha!! We wanna do this too for the very last time! Dami request ng kids! Lol!!!”

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.

Read also

Dating child star na si Krystal Reyes, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Kamakailan ay binahagi ni Iya na tuluyan nang natanggal ang front teeth ng anak niyang si Leon sa edad na limang taon. Ikinuwento niya na inakala nila ni Drew na na-save nila sa pagkakabunot ang dalawang ngipin nito nang unang matumba siya. Gayunpaman, masaya daw ang kanyang anak kaya kinalaunan ay mayroon siyang napagtanto. Aniya, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng anak niya at aminado siyang naisip niya ang maaring sabihin ng ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate