Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu

Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu

  • Ibinahagi ni Darryl Yap ang larawan ni Cristine Reyes na tila nagbihis ala-Barbie Hsu kasabay ng kanyang ika-36 na kaarawan
  • Umani ng pambabatikos ang aktres matapos niyang pagsabayin ang pagbati sa sarili at ang pagluluksa para kay Barbie Hsu sa isang post
  • Agad niyang binura ang naturang post matapos itong umani ng negatibong reaksyon mula sa netizens at mag-trending sa social media
  • Sumagot si Cristine sa kanyang mga kritiko sa pamamagitan ng isang panibagong social media post kung saan ipinahayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa isyu

Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang isang larawan ni Cristine Reyes na tila nagbihis ala-Barbie Hsu, ang Taiwanese actress na gumanap bilang "Shan Cai" sa sikat na seryeng Meteor Garden. Sa caption ng kanyang post, inilagay niya ang salitang "Ni Yao De Ai", isang kantang ginamit sa naturang serye.

Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu
Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu (PHOTOS: Darryl Yap, Cristine Reyes/Facebook)
Source: Facebook

Kasabay ng kanyang ika-36 na kaarawan noong Pebrero 5, nag-post si Cristine Reyes ng larawan kasama ang yumaong Barbie Hsu sa kanyang Facebook account bilang pagpupugay sa alaala ng aktres. Sa kanyang caption, isinulat niya, "Rest in peace our childhood favorite. Also, happy 36th birthday to me today."

Read also

Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, hindi ito nagustuhan ng maraming netizens na tila nairita sa pagsabay ng kanyang pagbati sa sarili sa isang post ng pagluluksa. Agad na nag-trending ang aktres sa X (dating Twitter) at bumaha ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ilan sa mga komento ay:

  • "Cristine, you're welcome, hahaha."
  • "Rest in peace and happy birthday!"
  • "Cristine Reyes' post on Barbie Hsu is stupid and insensitive."
  • "Dual Purpose Queen Cristine Reyes."
  • "Cristine Reyes' post is playtime huhu."

Dahil sa matinding pambabatikos, agad na binura ni Cristine ang kanyang post. Ngunit hindi natapos doon ang usapin, dahil sumagot siya sa kanyang mga kritiko sa pamamagitan ng panibagong social media post:

"2.5.25 Maligayang Kaarawan sa akin. Yun na lang. Oks na!? Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays.. May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba? Marahil ako nga talaga ay nagluluksa ngayong kaarawan ko. Good?"

Nagkaroon ng halo-halong reaksyon ang netizens—may mga umunawa sa aktres, habang ang iba naman ay patuloy siyang pinuna. Sa kabila ng kontrobersiya, nananatili pa ring usap-usapan sa social media ang pangalan ni Cristine Reyes.

Read also

Claudine Barretto, binalaan ang mga fans tungkol sa "red flags" sa pagkakaibigan

Si Cristine Reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.

Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine.

Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate