Christine Reyes, sumailalim sa therapy dahil sa isang freak accident

Christine Reyes, sumailalim sa therapy dahil sa isang freak accident

- Ibinahagi ni Cristine Reyes sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa

- Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident

- Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan nitong February 5

- Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan, ibinahagi ni Cristine Reyes ang kanyang sinapit dahil sa isang freak accident. Hindi na ito idinetalye ang tungkol sa aksident ngunit sumailalim siya sa therapy para sa kanyang paa.

Christine Reyes, sumailalim sa therapy dahil sa isang freak accident
Photo: Cristine Reyes (@cristinereyes)
Source: Instagram

Makikita din sa kanyang post ang pinsalanang natamo niya sa kanyang paa. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan nitong February 5.

Read also

Jodi Sta. Maria sa kanyang 'Broken marriage vow' in real life; "The biggest failure"

Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Happy birthday po! Still blessed to have a chance for recovery po. Get well soon Ms Christine!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Be well miss Cristine. Love, joy, peace be always in your heart. More blessings. Good health always. G-d bless you and amarah. happy birthday.
Happy 33rd Birthday @cristinereyes Ingat ksi hindi biro ang mga simpleng aksidente. Yung iba, d na mka LAKAD & ending up they're paralyzed 4 ever. Sna maCELEBRATE mo pa rin ang b-day mo ng masaya with Family & Friends kahit masakit ang paa mo. Happy #HappyBirthday GOD BLESS

Si Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang screen name na Cristine reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.

Read also

Alex at Toni Gonzaga, sumabak sa "Sino ang Mas" challenge kasama ang mga mister nila

Matapos nilang maghiwalay, naging bahagi na ng mga post ni Cristine sa social media ang tungkol sa mga lakad nilang mag-ina. Kamakailan ay nakasama ni Ali ang kanyang anak na si Amarah sa kanyang pamamasyal.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, naalala ni Crisitne ang kanyang mga traumatic expriences dahil sa kanyang takot sa naranasang lindol.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel