Jodi Sta. Maria sa kanyang 'Broken marriage vow' in real life; "The biggest failure"

Jodi Sta. Maria sa kanyang 'Broken marriage vow' in real life; "The biggest failure"

- Aminado si Jodi Sta. Maria na hindi naging madali ang pinagdaanan niya noon sa pagkakaroon ng 'Broken marriage vow' in real life

- Alam ng lahat na matagal nang hiwalay si Jodi sa kanyang dating asawa na si Panfilo "Pampi" Lacson Jr., ang ama ng anak niyang si Thirdy

- Aniya, pakiramdam niya noon ng 'biggest failure' at biggest joke ito ng buhay niya

- Humahanap talaga siya ng mga distractions para lamang bahagyang makalimutan ang kanyang pinagdaraanan

- Isa na rito ang proyekto niyang 'Please Be Careful With My Heart' noong 2012 kung saan siya nakilala bilang si Maya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buong tapang na naibahagi ni Jodi Sta. Maria ang kanyang pinagdaanan noong siya mismo ay dumanas ng 'Broken marriage vow.'

Jodi Sta. Maria sa kanyang 'Broken marriage vow' in real life; "The biggest failure"
Jodi Sta. Maria sa kanyang 'Broken marriage vow' in real life; "The biggest failure"
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi pala naging madali kay Jodi ang kanyang hiwalayan noon sa dating asawa na si Panfilo "Pampi" Lacson Jr. kahit masaya at maayos ang blended family nila ngayon.

Read also

Luis Manzano, binuking na may girlfriend na ang kapatid na si Ryan Recto

Ayon kay Jodi, napaka-painful ng pangyayaring iyon sa kanya at pakiramdam niyang isa itong biggest failure at biggest failure sa kanyang buhay.

"Sa personal life ko naman, yes hindi naman kaila sa lahat na I am separated and yung nga, na- the broken marriage vow din talaga ako in real life. It is something na nangyari sa life ko na masasabi kong pinaka-painful."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi ka naman papasok sa isang commitment o isang covenant para masira di ba? During that time when my marriage didn't work out, I felt like I was the biggest failure, the biggest joke. Ganoon yung pakiramdam ko. Nagkaroon ako ng feelings of shame, of guilt na shocks, nakakahiya. Kumbaga, hindi ko ito naayos. Hindi ko nabigyan si Thirdy ng buong pamilya. Anong gagawin ko?" pagbabahagi ni Jodi.

Read also

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

Naghanap din daw talaga siya ng mga distractions upang maibsan ang kanyang mga dinaramdam at isa na rito ang 'Please Be Careful With My Heart' kung saan kinilala talaga siya bilang iconic actress na si Maya.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Jodi mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na si Thirdy.

Sa ngayon, pinakaaabangan gabi-gabi ang teleserye niyang 'The Broken Marriage Vow' kasama sina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagganap ni Jodi sa episode kung saan kahit walang sinasabing linya ay kitang-kita ang emosyon at husay niya bilang aktres.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel